27

69 6 0
                                    

Chapter 27

Regenerate

Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na ako.

Humahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero hindi pa din tumitigil ang luha ko. Natutulala na lang ako sa kisame ng kwarto ni basilio, yakap-yakap ang kaniyang unan na hanggang ngayon ay nanunuot pa rin ang amoy niya roon. At sa tuwing pumapasok sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy, napapagagulgol ako. Then i would stop for maybe a few minutes pagkatapos ay hahahulgol ulit.

The cycle goes on and on and on.

The atmosphere of the whole house was melancholic. Mararamdamn ang pagiging mapanglaw ng bawat tao rito sa bahay.

Narinig ko pa nga mula rito sa loob ang pagdating ng pinsan nilang babae at paghahagulgol nito ng malakas. Katulad ko ay hindi din makapaniwala sa mga nangyayari.

Masyadong mabilis...masyadong hindi inaasahan...

Thinking about my future with no basilio in it makes me just wanna die, i want to die with him.

I want to take my own life right here, right now....

i'm just so crucially hurt...so weak...so vulnerable...

Sa tingin ko ay wala akong lakas. Parang kinuha nila mula sa akin ang tanging pinagkukuhanan ko ng lakas.

Now i know what basilio felt like...i fucking know what it feels like, and I immediately want to escape it. I want to escape the breathtaking pain.

Gusto kong paulit-ulit na saktan, bugbogin ang sarili, baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito.

Pero hindi...totoo ang lahat ng ito. Totoong wala ng basilio. Wala na yung lalaking tanging naniwala sa akin na buhay ako. Na tinanggap ako. Yung lalaking pinagtatabuyan ko dahil lang nagkamali ito ng isang beses. Isang beses, putangina!

Isang oras na pagkukulong lang roon sa loob ng kwarto, pumasok si alexandra.

"Kailangan na natin siyang iburol"

Hindi ko siya nilingon man lang. Nakatulala pa rin ako sa kisame, mas lalong humigpit ang hawak ko sa kaniyang unan.

Pagod akong umiling. "Ayoko..."

"Kailangan mong sumama. Kailangang..." bumuntong hininga siya. "Kailangang naroon ka. Kahit sa h-huling....pagkakataon, makikita mo si basilio..."

"What do you mean alexandra? Ano pa bang kailangan kong makita? Buto-buto na lang siya! Halos hindi ko na nga siya makilala! Kaya para saan pa!?" Tumaas ang boses ko. Napaupo.

"Mahirap sa amin to y/n"

"At sa tingin niyo sa akin hindi!? Mas mahirap sa akin to alexandra! Mas mahirap...sobrang hirap! Nawala siya ng may sama ng loob sa akin! H-hindi man lang ako nakabawi sa kaniya. Hindi....hindi ko man lang nasabi sa kaniya...kung gaano ko siya kamahal. Kapag mawawala din ako kapag mawala siya. Na hindi ko kaya!"

How will i ever face tomorrow without him by my side? How? It's unimaginable...

"S-siguro...inisiip niya na...na matapang ako kasi, kasi nabuhay ako ng limang taon na wala siya tapos siya...siya yung mahina kasi hindi niya kinaya na wala ako nung limang taon na iyon."

"Pero ang t-totoo...isang minuto pa lang nang malaman ko na wala na siya, parang gusto kona na mawala na din. Napakasakit..."

Nakikinig lang siya roon habang umiiyak ako.

"Hindi ba pwedeng s-saksakin mo na lang din ako? Use your knife, stab me. P-para matapos na tong sakit na to." I sobbed. "Please...please just end me..."

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon