26

56 6 0
                                    

Chapter 26

Hellfire

Halo-halo ang emosyon ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos lumabas sa bibig ni hank ang mga katagang iyon, naramdaman ko ang pagtakas ng dugo sa mukha ko. Nilubok ako ng malakas na pangamba.

Hindi na ako nakapagsalita, napasinghap na lang ako sabay hahulgol ng malakas. Hinang-hina ako. Sobrang sakit ng dibdib ko, hindi maipaliwanag sa sakit. Parang may kumukuyom sa puso ko ng buong lakas, hindi ako makahinga.

Kaagad akong bumaba sa kama at dumalo kay hank. Mariin at desperada na hinawakan siya sa braso. Nanghihina ang tuhod at puno na ng luha ang aking pisngi.

"N-nasaan siya. Sabihin mo sa akin, Nasaan si basilio!!" Pagwawala ko roon.

Naghihintay akong sabihin niya na joke time lang iyon, na pinagtitripan lang nila ako, na ligtas naman talaga si basilio at naroon lang sa baba, nag-aabang sa reaksyon ko.

Pero hindi nagsalita si hank. Tila nahihirapan din ito sa pagsasalita. Ibinuka nito ang bibig pero wala din namang lumalabas. Bumuntong hininga na naman siya ng malakas sa hindi ko na mabilang na pagkakakataon.

"Nasaan siya! Nasaan si basilio! Nasaan ang mahal ko, sabihin mo!!"

Halos lumuhod na ako roon.

"S-sabihin mo s-sa akin hank, n-nagbibiro lang kayo diba? Basilio....basilio!! Lumabas k-ka na diyan, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo ha!!" Pagsisigaw ko.

Hinawakan ako ni hank sa braso habang nakatungo pa rin.

"Nasa may library siya y/n. Ihahatid na kit—"

Hindi ko na siya hinintay at tumakbo na pababa.

Nang makarating sa library, katulad ng sinabi ni hank, naroon nga sila alexandra, crispin, kahit yung kambal na si hannah at...amie...pero wala na akong pakialam. Hinahanap naman ng mata ko si basilio, ayaw ko pa ding maniwala.

Nakatungo silang lahat, at papaano ay dumako ang tingin sa akin ni crispin. Kita ko ang patuloy na paglandas ng luha sa kaniyang pisngi.

Naglakad siya papunta sa akin at hinawakan ako sa braso, pilit akong pinapatalikod. Ma tila ayaw niyang ipakita sa akin si basilio.

Pero nagwawala ako roon. Pilit kong kinakalas ang hawak niya.

"N-nasaan a-ang gago mong kapatid? Nasaan s-si basilio!? Iharap mo siya sa akin, kailangan ko siyang m-makita!!" Hagulgol ko.

Malungkot siyang umiling na siyang kinalakas ng hagulgol ko.

"Crispin! Anong...anong nangyari! Bakit...nasaan siya!!! Nasaan ang mahal ko crispin!!!"

Patuloy pa din siya sa pagyakap sa akin ng mahigpit, para hindi ako maharap sa silid-aklatan. Bahagya din siyang nanginginig at yumuyogyog ang balikat niya.

"W-wala na s-siya...y/n..." nahihirapan niyang saad.

"Hindi" hindi makapaniwalang kong sabi. "Hindi! Hindi ako naniniwala! Hindi ako naniniwala crispin!"

Wala na akong pakialam kung nagwawala man ako roon. Sobrang sakit na ng dibdib ko. Hindi pa naman huli para bawiin nila ang biro nila...

May isa pang kamay na humawak sa balikat ko. Nang itaas ko ang tingin ko, natanto kong si alexandra iyon. Pulang-pula din ang mga mata at ilong. Ngayon ko lang siya nakita ng may ganoong emosyon.

"Anong nangyari?" Nanghihina at pabulong kong tanong.

Napatungo siya. "Kasalanan ko"

"Hindi iyon ang tanong ko." Mariin kong sabi. Hindi mahanap ang takot para sa kaniya. Wala na akong pakialam kung parahas akong magtanong. "Ang sagot ko ang tanungin niyo! Anong...anong nangyari..."

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon