***
Pagkakamali,
'Yan ang nangyari.
Dahil akala ko'y ika'y mananatili,
Ngunit lilipas ka rin tulad ng gabi.Sa pag-aakala na ika'y naiiba,
Ngunit nagkamali ako, katulad na katulad ka nila.
Ligaya na naramdam ko sa'yo,
Ngunit bakit ang nararamdaman ngayo'y pagkabigo?Damdamin ko'y totoo,
Habang sa'yo ay biro.
Bakit ka naging ganito?
Ang pag-asang maging tayo ay parang bolang naglaho.Ikaw na may maamong mukha,
At isa ring paasa.
Inaamin ko na nagkamali ako,
Na umasa sa isang katulad mo.Hindi ko rin napigilan,
Ikaw ay may mabuting kalooban.
May prinsipyo at alam ang karapatan,
Ngunit kasama ba roon ang ako'y saktan?Gusto kong manghinayang,
Dahil ako'y sinayang.
Subalit nagbigay ka ng leksyon at saya,
Kaya pahahalagahan ko na lang ang mga ala-ala.