Kabayanihan

26 1 0
                                    

Play the song while reading.

***

"SIR, our men are under attack! We already have 3 casualties!" Dinig kong sabi ng kasamahan ko.

Ang ating bansa ay anim na buwan nang inaatake ng mga rebelde na pinangungunahan ng mga rebeldeng ISIS. Ilang mga kasamahan na namin ang namatay ngunit ngayon, isa sa mga malalaking base namin ay ang inaatake ngayon at sa kasamaang palad, tatlo na silang namatay.

Normal na lang sa'kin na may mamamatay na kasamahan subalit ang bigat pa rin sa pakiramdam.

Maraming mga Pilipino ang nagbuwis na ng kanilang buhay para mailigtas ang bansa pero bakit ganoon? Gobyerno naman ang isa sa mga dahilan kaya namamatay ang aming mga kasamahan.

"Prepare yourselves! We will go there!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko.

Agad naman silang sumunod sa utos ko at sumakay na kami sa mga sasakyan.

Naitatayang mayroong 15 na mga rebelde ang nandoon ngayon kaya naman dalawang truck ng sundalo ang gamit namin. Sa isang truck ay may siyam na karga.

Malayo pa kami ay rinig na rinig na ang malakas na putukan ng mga baril. Sa bawat putok ng baril ay alam mo nang madugo ang labang ito. Sa bawat putok ng baril ay may buhay na nakasalalay.

Pagod na pagod na kaming lahat dahil mas parami pa ng parami ang mga kalaban sa nakalipas na anim na buwan. At sa anim na buwan na 'yon, daang-daang mga sundalong Pilipino na ang namatay. At sa anim na buwang 'yon, wala akong makitang masyadong naging galaw ng gobyerno. Nagmumukhang hinahayaan na lang nilang masakop ang ating bansa. Hinahayaan na lang nila na mapasakamay ng mga rebelde ang mahal nating bansa.

Sa anim na buwang nakalipas, napilitan ang mga kapwang Pilipino na mga lalaki na sumailalim sa pageensayo bilang sundalo. Bagaman marami ang nabawas -marami ang namatay ay pilit kong huwag panghinaan ng loob. Pinipilit kong iniisip na sa kabila ng ganitong nangyayari ay matatagumpayan nating mapaalis ang mga rebelde at tuluyang makamit ang kalayaan at kapayapaan sa ating bansa.

Ang bigat lang sa pakiramdam na nangyayari ang lahat ng ito. 

Mas lumakas pa ang putukan ng baril na naririnig namin. Mahigit isang kilometro ang layo namin mula sa putukan ng baril at kitang-kita sa pwesto namin ang mga usok na lumalabas sa mga gusaling nasusunog. Ang mga gusaling iyon ay ang gusali ng karatig bayan ng base militar at talaga ngang napasok ito ng mga rebelde.

Hindi ko maiwasang isipin ang pamilya ko ngayon. Ilang buwan ko na rin silang hindi nakikita, sobrang miss na miss ko na sila. 

Umayos ako ng upo at kinuha sa aking bulsa ang larawan ng mag-ina ko. Ang ganda ng mga ngiti nila, ngiti nilang sobrang namimiss ko na. Walong buwan nang buntis ang aking asawa at sa susunod na buwan na siya manganganak.

Napangiti ako nang mapait dahil mukhang malabong masisilayan ko ito. 

Nasa gitna ako ng pagmumuni- muni nang narinig ko ang sigaw ng kasamahan ko," Sir, pito na ang nasawi nating kasamahan!"

Agad kong inayos ang aking isipan para makapag-isip sa taktikang gagawin ng aming grupo.

Tumingin ako sa gawi ng mga nakikipaglaban, lalo na ang parte kung saan nandoon ang napakaraming rebelde. Hindi ko inaasahan ang ganitong karami nila.

"Okay, listen. Gather all the remaining soldiers and retreat to our base. I will stay here alone and inform the airforce that once the terrorists are near to my location, just bomb it!" Sunod-sunod na sabi ko.

"But, Sir-"

"No buts. Just listen to me! I'll radio the airforce once you get away from here if you don't want to follow my orders! Remember, I'm your superior! You must obey everything I say!"

Hindi na ito nagsalita pa at nagaalinlangan na pinagsama-sama ang aming mga kasamahan.

Pagkaalis nila ay agad kong sinabi iyon sa airforce. Ramdam ko ang kanilang pagaalinlangan ngunit sumang-ayon pa rin sila sa aking plano.

Papalapit na rin nang papalapit ang mga rebelde.

Mabigat man sa aking kalooban ay tinignan ko sa huling pagkakataon ang litrato ng mag-ina ko. Mga mag-iina kong hindi ko na masisilayan pa.

"Patawad, mahal ko. Patawad, hindi ko na matutupad ang aking pangako na makakauwi pa ako sa'yo. Mahal na mahal kita...ingatan mo ang nga anak natin." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

Pumikit ako at inilapit ang litrato nila sa aking labi at hinalikan iyon.

"Paalam, mahal ko."

Pagkatapos kong sambitin iyon ay isang nakabibinging ingay ang yumanig sa aking pwesto at kasabay niyon ay tila ba niyakap ako ng isang napakainit na bagay at tuluyang nawalan na ako ng malay.

***
THE AIRFORCE OFFICER who received the command about bombing the location of a brave soldier saluted. The news about the brave soldier quickly escalated. Not only to the soldiers but almost all of the civilians of the Republic of The Philippines were amazed and shocked.

The brave soldier's move didn't end the fight between the terrorists but it gain respect from the fellow soldiers and filipinos.

Captain Joshua Calderon, 30, you will never be forgotten.

***

This story is based from the bravery of a Filipino soldier who sacrificed himself. He died in the battle of Marawi. He is also known to his famous words, "Just bomb my location, sir!"

Private First Class Dhan Ryan Bayot, 24 , your bravery will never be forgotten.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon