******
"Hahahaha Jane ang laki ng ilong mo parang doon sa despicable me hahahah" natatawang saad ko sa matalik kong kaibigan."Mas okay nga na matangos ako kaysa naman sayo na pango. Nakakahinga ka pa ba diyan Lyn? " nakangising sagot niya saakin.
Tumawa na lang ako sa sagot niya pero gusto ko nang umiyak dahil sa sagot niyang iyon.
******
"Lyn para kang si majin boo hahaha" sabi ni Jane sa akin sa harap ng madaming tao.
"huh? Hindi naman ako mataba? " naguguluhang sabi ko.
"Kahit naman hindi ka mataba kamukha mo siya eh. Yung buhok niyang paitaas parang sa'yo. Tapos ang lawak ng noo mo tapos parang kulay pink ka " sabi niya at nagtawanan sila.
Munting ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya kahit sa kaloob-looban ko gustong gusto ko na umiyak.
*****
Nakaupo ako sa may veranda sa bahay ng pinsan ko nang bigla akong tinulak ng isa sa kanila.Pinampag ko yung short ko na narumihan bago magsalita "Bakit ate Claire? Bakit mo ko tinulak? " malumanay na sabi ko.
" Duh paharang-harang ka kase diyan" mataray niyang sagot bago tumalikod sa akin.
Hindi naman ako nakaharang. Imbes na magsorry ganun pa yang sinabi niya. Hayys hayaan na. Pinsan ko naman siya eh.
****
*2 months later*"Jane" tawag ko sa matalik kong kaibigan.
"Oh? "
"May sasabihin ako. Hindi ko na kaya eh. Sobrang bigat na sa loob ko" nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
"Ano? " sagot niya pero mukhang hindi siya interesado.
Huminga ako ng malalim.
"Yung mga pinsan ko, sumosobra na sila. Trinatrato nila ako na parang hangin lang. Matagal na tong nangyari pero hindi ko maalis sa isipan ko. Yung isang pinsan ko bigla akong tinulak sabi niya paharang-harang ako eh nasa gilid lang ako. Nagkasugat pa ako. Imbes na magsorry ganun yung sinabi. Ganun ba ako kawalang kwenta? " naluluhang sabi ko
Hinihintay kitang sumagot sa sinabi ko pero parang iniba mo na yung topic.
"Nakakainis yung isang classmate natin hiniram yung ballpen ko. Hindi pa ibinalik tangina"
Owkay?
Di ko na lang sasabihin sa kanya yung ilan.
******
December 31, 2020 11:45 pm"'Nak matutulog na kami. Isara mo na lang yang ilaw at pinto pag matutulog ka na" sabi ni mama.
"Opo ma" tanging sagot ko sa kanya.
Hindi na ba nila hihintayin yung new year? 15 minutes na lang naman.
11:59 na. Nagsisimula na silang magputukan. Maraming fireworks.
Lumapit ako sa may bintana para mas makita ko yung mga fireworks.
Ang saya siguro kapag kasama ko sila mama at papa. Sayang hindi umuwi si kuya. Sana may kasama ako.
Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo sa aking mga mata.
"Happy New Year, Lyn" malungkot na saad ko.
*****
Nakuha ko na yung report card ko. Ang saya ko kase line of 9 lahat. Excited na excited akong pumunta kay mama para ipakita tong report card ko.