You Matter

34 5 0
                                    

IT'S ALREADY 10 in the evening and i haven't eaten anything yet. Nakahiga lang ako dito sa kama ko at nakatitig sa kawalan.

I really am telling myself na huwag kumain ngayon. I'm irritated at myself that's why and it's kinda weird — for some, i think.

Buong maghapon, tubig lang ang iniinom ko. Kahit tinatawag nila akong kumain ay hindi ako pumupunta. Ewan ko eh, naiinis ako sa sarili ko. Im questioning myself.

Why am i like this?

Paano ko ba maidedescribe ang sarili ko? Hindi ko naman ginusto na maging ganito eh.

Someone once asked me kung bakit nag-iiba ako. Kung bakit hindi ko na ginagawa yung dating gawain ko. Kung bakit hindi na ako lumalabas ng bahay. And I always say na tinatamad ako when in fact, I have no self confidence. I'm too scared to face the people, the world.

One of the reason kaya nawalan ako ng self confidence ay dahil sa mga kamag-anak ko.

Palagi nilang sinasabi na bakit daw ganto ako. Bakit daw hindi ako gaya ni ano o kung sino pa man diyan. Nilalait nila ako since I was a child.

Christmas last 2018, tinutulungan ko yung lola ko na magluto para sa Noche buena. Marami kaming magpipinsan, 8 or 9? Hindi ako sigurado. Tinutulungan ko siyang maghiwa ng lulutuin at nag-uusap kami ng kahit anong bagay-bagay. My Tito entered that scene and said some horrible things to me— for me.

"Ano Chyl kakain ka nanaman? Kaya ganyan ka eh puro ka kain", sabi niya at hindi na lang ako sumagot.

Little did he know na sa buong maghapon na yun ay hindi ako kumain. I was just helping my Lola kase nakikita kong walang tumutulong sa kanya at dahil dun, mas nabawasan nanaman ang self confidence and self esteem ko.

Maraming nangyari eh mula nung bata pa ako pero iilan lang yung natira dito sa utak ko kase pilit kong kinakalimutan lahat ng mga nangyari.

Ubos na ubos na ko eh. Hindi ko alam kung kanino o saan ako kukuha ng lakas.

Palagi nila akong nakikita na ngumingiti o tumatawa but dude, I'm fucking tired. No one noticed that.

I'm questioning everything about me. Am i worth it? Do I matter? May nangangailangan ba sa'kin? May nagmamahal ba sa'kin? Does anybody cares for me?

Mapapatangina ka na lang dahil sa ganyang nararanasan mo sa buhay eh.

I always say that I'm a star, a star that will shine and guide you to the right path. But stars die too right? Stars get tired right? I always shine and guide someone but I need that too.

I put my earphones and I'm trying to sleep. I can feel my hunger but no, hindi ako kakain. That's my punishment.

I closed my eyes and bad memories starts to flashback. Kailan ba ko mawawalan ng ganyan? Kailan ba ko magkakaroon ng mapayapang tulog?

Iminulat ko ang mata ko at tumitig na lang ulit sa kawalan.

Kahit naman gising ako paulit-ulit pa rin na nasa utak ko yung mga nangyaring yun eh.

Ewan ko ba pero madali akong naaapektuhan sa mga nangyayari sa paligid ko. Kung ano yung nakikita ko, paulit-ulit 'yon na nagrereplay sa utak ko. Hindi mawala-wala.

And hey, I'm still fighting and not giving up. I'm still smiling despite of what happened in the past. I may have suicidal thoughts but I'm fighting. Im fighting to be a better person, to be a better me and to be better for myself.

Alam kong malalampasan ko lahat ang mga pagsubok na darating pa kase alam kong kaya kong malampasan lahat. Makakaramdam ako ng sakit pero ayos lang, buhay ako at 'yon ang dapat.

Kahit mapapatangina ako sa mga nangyayari at mangyayari pa, laban parin.

Unti-unting pumipikit ang mata ko at nilamon na ako ng kadiliman. At sa gabing 'yon, walang masamang alaala na bumagabag sa akin.

And there's one thing that I've learned.

Pagkatiwalaan mo ang sarili mo na malampasan mo lahat. Kahit gaano pa kasakit at gustong-gusto mo na lang mawala dito sa mundong ibabaw, tandaan mo, kahit kinukwestiyon mo na lahat lahat tungkol sayo,

You are worth it.

You matter.

Everyone needs you.

Everyone loves and cares for you.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon