SPG Ahead!
Read at your own risk
R-18**
Okay, im shocked? Kase kagigising ko lang tapos pagkababa ko may mga lalake sa baba.
Nakakahiya!
Ang gulo ng buhok ko tapos wala pa akong ligo! Bakit ba di ko naisipan na maligo agad? Eh araw-araw naman bago ako bumaba eh nakaligo na ko!
And bakit may mga lalake sa baba? Kaninong bisita yung mga yun? Tapos yung isa kanina, grabe kung makatitig! Nakakahiya talaga.
Feeling ko rin ang laki ng eyebags ko kase dalawang oras lang ako natulog. Kainis naman.
Sana huwag ko silang mapagbuntungan. Ang guwapo pa naman nilang lahat eh.
Fuck talaga, ang init ng pisngi ko!
Dali-dali akong humarap sa salamin ko. And yes! I'm blushing! Nakakahiya talaga eh tapos wala pa akong bra na suot.
Bakit naman kase hindi nila ipinaalam sakin na may mga bisita? Nakakahiya tuloy.
Aish, wala na akong magagawa dun. Maliligo na lang ako.
MASAYA na sana ako kase nakaligo na ako pero baliktad yung nararamdaman ko, nahihiya parin ako. Ang init ng pisngi ko tapos gutom na talaga ako eh.
Bababa na ba ako? Gutom na talaga ako bhie.
Eh ano naman kung may tao sa baba? Bahay namin to duh.
Napamura ako sa naisip ko.
Bahay nga namin to pero nakakahiya duh?
Huminga ako ng malalim at bumaba na rin.
Pigil hininga ako habang bumababa. Hindi pa ko nakakababa eh nararamdaman ko nanaman yung mga titig na 'yon.
Agad akong ngumiti sa kanila para mawala agad yung awkwardness saka nagsalita, "Hi! I'm Farah, nice to meet you! "
Ngumiti naman sila at isa-isang napakilala. Walo pala sila.
"Brink"
"Rhysand"
"Jake"
"Ash"
"Elliot"
"Kennedy "
"Grant"
"Henry"
Sabi nila at habang nagpapakilala ay nakikipagkamay sila sa'kin.
But that 'Grant' guy caught my attention. I mean, hindi ako masyadong naa-attract sa mga lalake but iba yung dating niya?
I removed that thought in my head.
Should i ask them kung bakit sila nandito? That would be rude pero bahala na.
"Sorry to ask you this pero why are you here? I mean-"
"Well uhm, my father, which is your mother's friend, asked her if we could stay here for a night or two. We will be having our tournament and your house is near to the venue", sabi niya sabay ngiti.
Oh boy, yung ngiting nakakalaglag panty! And not to mention na yung 'Grant guy' yung nagsalita!
And yung boses niya, it's so deep and the way he talks! May crush na ba ko dito? It's been years since i had my last crush!
"Oh, okay" sabi ko at kumuha na lang ng pagkain.
Alas sais na ng hapon at oo, kakababa ko lang. Galing ako sa 36 hours na duty ko at marami akong naging toxic cases.