Kuya

48 6 0
                                    

Untitled

--
"Ma pwedeng pumunta tayo sa pampanga saglit lang bago magpa-NAIA?" kinakabahang tanong ko sa mama ko.

"Bakit? Anong gagawin mo dun? "

"Kase ma taga dun si kuya ko tapos nasabi ko sa kanya na may pupuntahan tayo at may posibilidad na makapunta ako sa bahay nila. " sunod-sunod na sabi ko.

Sinabi ko kila mama na gisingin ako pag pampanga na.

---
"Kylie gising nasa pampanga na tayo" narinig kong sabi nila.

Agad-agad kong kinuha ang phone ko at chinat si kuya.

"Kuya nasa Pampanga na kami. Pa-Angeles pa lang. Pumayag sila na pumunta ako diyan! Cant wait kuyaaaa"

Chat ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay nagreply agad siya.

"Wtf Kylie? Bat di mo sinabi ng maaga? Di pa ko nakaligo tangina" sabi niya na ikinatawa ko.

--

Malapit na kami sa mismong bahay nila. Alam ko ang bahay nila kase tinuro niya sakin sa pamamagitan ng mapa of course.

Kinakabahan ako habang papalapit ng papalapit ang bahay nila.

Imagine? After 3 years magkikita na kami. I treated him as my older brother at tinuring niya rin ako na nakababatang kapatid niya.

May mga times na muntik na kami magkita pero hindi natutuloy.

Pero ngayon sigurado na akong matutuloy.

Sa loob ng tatlong taon na yun siya ang takbuhan ko. Nandun ako pag malungkot siya, nandiyan din siya pag malungkot ako.

Sa loob ng isang linggo nakakatatlo hanggang apat na beses kaming nagvi-video call para magkamustahan.

And finally, nasa tapat na kami ng bahay nila.

Tinawagan ko siya at sabi kong nasa labas na kami ng bahay nila.

Rinig ko sa kabilang linya na medyo natataranta siya na ikinatawa ko.

Pagkaraan ng ilang minuto may nakita akong lumabas sa bahay nila.

Siya nga.

Si kuya na.

Agad akong lumabas at hindi na nakapag paalam pa sa magulang ko.

Pagkababa ko sa sasakyan ay tumakbo ako papalapit sa kanya.

Naiiyak ako habang yakap ko siya at ganun din siya.

"Kuya finally nagkita na tayo! Ang pangit mo talaga" sabi ko habang naiiyak.

Napatawa siya.

"Loko ka talaga gusto mo tanggalin ko bulbol mo? " sabi niya ng patawa-tawa.

Naramdaman kong may tao sa likod ko at nakita kong nakababa na sila.

"Ma, pa, bunso, si Dean kuya ko. Nakilala ko siya sa social media. Siya yung takbuhan ko po. Sorry ngayon ko lang nasabi na may kuya-kuyahan ako. " sabi ko ng nakangiti.

Ngumiti naman sila at nakipagkamay kay kuya na ikinangiti ko.

Akala ko magagalit sila eh.

"Ah tito, tita pasok muna kayo sa bahay namin. " sabi niya at ngumiti.

Plastic talaga tong si kuya ay eh sarap tanggalin yung bulbol.

Nagstay kami sa bahay nila ng isang oras at nagpaalam na.

"Kuya alis na kami ha? Sa susunod ikaw naman pumunta sa bahay namin naku kahit isang buwan ka pa magstay doon. "

Tumawa siya, "Sure. Itour mo ko dun sa ilocos kapag pumunta ako okay? "

Yumakap ako sa kanya, " kuya alis na kami. Mamimiss kita i love you po" sabi ko ng naiiyak.

Ngumiti siya sa akin, "mamimiss din kita. Mahal din kita kapatid ko".

May ngiti sa labi ng umalis kami doon.

Nakatanggap ako ng chat galing sa kanya na ang sabi,

Thank you dahil nagawa mong pumunta dito Kylie. Mamimiss kita.

Napangiti ako ng malungkot. Hindi alam ni kuya na yun na pala ang una at huli naming pagkikita dahil sa Canada na kami titira. Ang alam niya magbabakasyon lang kami sa Bohol.

I'm sorry kuya.

Mahal na mahal kita. Salamat din sa lahat.

Kahit sa pekeng mundo kita nakilala ang saya-saya. Kase dahil sa pekeng mundo, nagkaroon ako ng kuya na sasandalan ko.

--
Sorry for the typographical and grammatical errors

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon