Anim na Panaginip

25 5 0
                                    

----

Una,
Kilabot ang naramdaman ko,
Nang ibalita sa'kin na may naaksidente,
Dahil tugma ang nangyari,
Sa napanaginipan ko.

Pangalawa,
Binalaan ko ang kaklase ko na mag ingat,
Sapagkat napanaginipan ko na nagbigti siya.
Lumisan ang ilang araw,
Nabalitaan ko, nagbigti ang kaklase ng pinsan ko.

Pangatlo,
Dapit hapon noon at ako'y pauwi na,
Nang biglang may nakita ako sa harapan ko na naaksidente,
Inaantok ako noong oras na 'yun,
Halos maiyak ako noong malaman kong may naaksidente malapit sa lugar na nakita ko.

Pang-apat,
Mga tunog ng baril ang gumising sa akin,
Naiiyak ako noong napanaginipan ko 'yun.
Dahil alam kong may mamamatay,
At tama ako, may binaril malapit sa sementeryo.

Pang-lima,
Napugutan 'yung ulo niya,
Wala siyang kalaban-laban,
Nangatal ako sa takot noong nalaman ko,
Dahil ilang araw bago mangyari 'yan, napanaginipan ko ito.

Pang-anim,
Binalaan ko ang mga taong malapit sa'kin,
Dahil napanaginipan ko,
May babaeng ginahasa at pinatay,
Nalaman ki makalipas ang ilang buwan,
May ginahasa at pinatay doon sa bukirin ng kaklase ko.

Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari,
Hindi ko alam kung coincidence ang mga 'yun,
Ngunit napakabigat sa kalooban,
Dahil malalaman kong may mawawala,
At kahit kailan, hindi ko kayang pigilan.

---

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon