DINUROG
Bakit mo 'ko iniiwasan?
Bakit lumalayo na ang loob mo sa'kin?
May nagawa ba akong mali?
May nasabi ba 'ko?Ayaw mo na ba?
May iba na ba?
Sobrang saya ko noong sinabi mong,
Ikaw na ang kuya ko.Nagtiwala agad ako,
Hindi ko alam kung bakit.
Ang gaan ng loob ko sayo,
Naniwala ako sa pangako mo.Unti-unti mong binuo ang sirang ako,
Naiwasan ko lahat ng maling gawain ko.
Pero bakit ganun?
Kung kailan malapit na akong mabuo,
Mas dinurog mo pa ako.Unti-unting namumuo ang galit dito sa puso ko,
Galit na ikaw ang dahilan kung bakit nandito.
Akala ko iba ka sa kanila,
Pero nagsabi ka ng masasakit na salita.Kapag nag-aaway tayo,
Ako ang palaging mali.
Kailan ba ako naging tama?
Kapag ayaw ko na ba?Nandito ako 'pag kailangan mo ng kausap,
Handang makinig sayo.
Pero nasaan ka noong kailangan kita?
Wala.Tatlong buwan,
At pitong araw.
Handa na
Ako.Ititigil ko na,
Kakalimutan na kita,
Kakalimutang may IKAW na naging kuya ko,
Tama na.