Credits to the owner of the photo.
**
Nakangiting tumitingin ako sa nanonood sa'min. Dati pangarap ko lang 'to pero dahil sa pagpupursigi ko at ang mga naging kaibigan ko, natupad namin.Pare-pareho kami ng mga hilig kaya nabuo ito. Naalala ko pa, noong nasa highschool pa lang ako, sinasabi ko sa mga kakilala ko na balang araw, matutupad ko ang pangarap ko. Na balang araw, nasa entablado ako at tumutugtog at may nakikinig sa musikang gawa namin.
Ang pangarap ko na natupad, ang maging lead guitarist ng isang banda. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko, saya na alam kong dadalhin ko hanggang sa huling hantungan. Saya na punong-puno ng alaala.
Tumingin ako sa drummer namin na si Dreak at nakita kong bumukas ang bibig niya, "In one, two, three" kasabay ng pagtapos ng bilang niya ay ang pagbagsak ng mga kumpas ng musika.
Makikita sa mukha namin ang saya, hindi maipaliwanag na saya.
Masakit man sa kamay ang string ng gitara ay ayos lang para sa'kin. Kanina pa kami tumutugtog at ito ang panghuling tugtog namin ngayon dito.
Ito rin ang huling tugtog namin ngayong taon dahil dito natatapos ang pangatlong world tour namin.
Oo, hindi lang kami sa Pilipinas umabot, nabighani namin ang puso ng bawat tao sa buong mundo.
I'm hurting but that's okay
Loving you means pain
I will be here
'till your last breath ~Kanta nang vocalist namin. Tumitig ako sa apat na kasamahan ko, naiiyak ako habang tinitingnan silang masaya.
Si Shawn ang sumulat nang kanta na tinutugtog namin ngayon, siya ang vocalist namin. Dalawa silang vocalist, si Shawn at Shad, kambal sila.
Tumingin ako sa gawi ni Drake, ang bassist namin at sa kaliwang bahagi ko, nandoon si Quixie, ang rhythm guitarist namin at ang nag-iisang babae sa grupo namin.
Naalala ko lang dati, sa mga bar at fiestahan lang kami tumutugtog o kaya kasalan. Lalo na noong College kami, raket kami ng raket para may pera sa pag-aaral. Scholar kami at walang masyadong kaya.
Tignan mo nga naman ngayon, naitawid namin sa hirap ang pamilya namin dahil sa pagsusumikap.
Kung noon, sa bar o fiestahan kami tumutugtog, ngayon naman sa isang arena na.
Natapos na ang huling kanta namin at hindi ko mapigilang umiyak, iyak dahil sa saya.
Narinig kong nagtawanan ang mga kabanda ko pero alam kong pati sila ay naiiyak na.
Lumapit ako sa may mikropono, "Pasensya kung umiiyak ako, hindi ko lang mapigilan dahil sa sobrang saya. Pangarap lang namin 'to noon pero nandito na kami at marami nang nakikinig sa musika namin. Maraming salamat sa inyo. Lubos akong nagpapasalamat, hindi pa sapat ang salitang salamat sa suporta niyo. Kaya bilang pasasalamat sa inyo, mas iigihan pa namin at sana sa hinaharap, mas marami pa kaming kantang magagawa pa"
Narinig ko ang malakas na hiyawan nila at ang pagsasalita pa ng mga kasama ko.
Pagkatapos nilang magsalita ay lumapit sila sa'kin at niyakap ako.
"We did it!" sabi ni Shawn.
"Nagbunga ang mga paghihirap natin noon!" sabi naman ni Quixie.
Nagyakapan kami ulit at muling nagpaalam sa mga sumusuporta sa'min.
Agad kaming pumunta sa backstage para magpahinga. Hindi natatanggal ang ngiti sa aming mga labi. Palaging ganito ang scenario namin pagkatapos ng concert namin.