———
"Hoy John Rick! Late ka nanaman ah? Ano yan ha? Busy ka palagi? " bungad na tanong ni Kirby sa kaibigan niya na kakarating lang.
"Medyo naging busy kami lately eh, alam mo naman na palagi akong present sa mga meetings sa mga club dito." nakangiwing ani John Rick.
"Weh? Bakit may club din sa bahay niyo kaya late ka parin na pumapasok?"
Lumapit si John Rick kay Kirby saka ginulo ang buhok nito, "Loko, nalelate kaming natatapos dito sa school. Maraming paparating na activities at halos lahat ng mga club ay nasalihan ko"
Lihim naman na napangiti si Kirby.
Ganyan nga John Rick, tama yan. Magfocus ka lang sa mga clubs at sa'kin!
"Oh siya, punta na ko sa upuan ko, malapit na magstart 'tong klase natin. Mag-aral ka ng mabuti, wag makichismis" sabi ni John Rick habang papalayo kay Kirby at pumunta na ito sa kanyang upuan.
Hindi mawari ni John Rick ang kakaibang pakiramdam niya sa pakikipag-usap sa kanyang matalik na kaibigan. Bagaman ay ipinagsawalang bahala niya na lang ito.
Mahigit anim na taon na silang magkaibigan mula pa noong sila'y ika anim na baitang pa lamang.
Masasabi ni John Rick na kilalang-kilala na niya ang kanyang kaibigan sapagkat napapag-usapan nilang dalawa ang kanipang problema at lahat ng mga bagay-bagay.
Pagkaraan ng ilang oras ay lunch break na nila. Agad naman na lumapit si Kirby kay John Rick, "Kain tayo, jollibee, libre ko"
Nagulat man si John Rick ay agad siyang sumagot, "Sige"
Tanging iyon na lamang ang nasabi ni John Rick dala ng kanyang pagkagulat.
Naglalakad ang dalawang binata patungo sa parkingan ng mga tricycle.
Hindi alam ni John Rick na may iniisip palang iba si Kirby.
Date natin to John Rick. Ang saya naman, ang sarap sa feeling.
Napangisi si Kirby sa kanyang iniisip na agad na nakita ni John Rick. Gustong magtanong ni John Rick kung bakit ito ngumisi ngunit hinayaan niya na lang ito kahit ito'y kinakabahan.
Magkaibigan kami, hindi gagawa ng masama si Kirby sa'kin. Siguro ngumisi lang siya kase may naalala o ano man yan.
Ilang minuto pa ay nasa jollibee na sila. Medyo marami ang tao dahil nga oras nang pananghalian ngayon.
"Maghahanap ako ng upuan natin, i-order'n mo ko. Gusto ko yung chicken na maanghang tapos dalawang rice tapos coke float" sabi ni John Rick at ibinigay ang pera kay Kirby.
Agad namang kinuha ni Kirby ang pera at tumango. Habang papalayo ang bulto ni John Rick, ang isipan ni Kirby ay lumilipad naman.
May tiwala talaga siya sa'kin. Gusto ko pang maulit ito! Date kase 'to kaya dapat maulit pa! Tsaka sabi ko kanina ililibre ko 'to tapos binigyan ako ng pera. Hayaan na ibibigay ko na lang sa kanya itong ibinigay niya sa'kin.
Si Kirby na ang susunod sa mag-oorder at agad niyang sinabi ang mga order nila.
Kinuha niya ang ibinigay sa kanyang number at ang nakalagay sa tray na dalawang coke float.
Agad naman na nakita ni Kirby si John Rick dahil may kausap itong babae.
Ayon sa suot ng babae ay pumapasok ito sa kaparehong paaralan kung saan sila nag-aaral. Agad na nag-init ang ulo ni Kirby at lumapit dito, "Hello, excuse me? Usod ka nga doon" sabi ni Kirby sabay turo sa kabilang upuan.