Prologue

357 13 59
                                    



"Tinanggap mo 'yong offer?"

Saglit akong napatingin kay Eric nang pumasok ito sa opisina ko at diretsong umupo roon sa sofa. Inalis ko rin ang tingin ko sa kanya at tumutok sa mga ginagawa kong dokumento.

Feeling close ang lalaking ito. Nakilala ko siya noong pumasok ako rito sa kumpanya. Binungaran niya ako ng bunganga niyang parang kay Maya. Inisip ko nga rin na baka siya ang long lost brother ni Maya.

"Alin do'n?" Tanong ko habang abala pa rin na nakatingin sa mga dokumento na nasa harapan ko.

"KJS Gaming offer." Paglilinaw nito sa sinasabi.

"Oo." Tanging sagot ko.

"Ang dami mo nang trabaho, tumanggap ka pa. Hapit?" Mapang-asar niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano naman kung tumanggap pa ako ng ibang projects? Magaling ako na digital artist kaya ako ang kinukuha nila. Sila ang nagkakandarapa na makuha ako, kaya sayang. Dagdag din sa image 'yon. Hindi ko kasalanan kung magaling ako." Mahabang litanya ko bago siya irapan.

"Ang sungit. Nagsasabi lang naman ako!" Depensa niya. "Bigay mo na lang kaya sa 'kin 'yong iba?"

"Ayoko. Ang pangit mo gumawa."

"Wow, ang yabang talaga!" Hindi makapaniwalang reaksyon niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka ba narito?" Naiiritang tanong ko.

"Pinapatawag ka nila Tita." Sagot naman niya. Kung makatawag na 'Tita' kay Mom, parang close na close. Feeling lang naman!

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Tungkol yata roon sa bagong project na tinanggap mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ewan, tapos may sagot ka. Dati ka bang siraulo?" Inirapan ko siya.

Niligpit ko muna ang mga dokumento na tinatrabaho ko kanina. Kailangan nang ipasa 'yon mamaya, pero kaya ko namang habulin 'yon.

Pagkarating namin, naabutan namin si Mom na katatapos lang makipag-usap sa cell phone. Umupo kami ni Eric doon sa pang-tatlohang sofa para hintayin siya. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa itong si Eric, eh wala naman siyang kinalaman doon sa bagong project. Hindi naman siya kasali. Feeling closed talaga.

Pumasok din si Dad mula sa pintuan nang makaupo si Mom sa harapan namin ni Eric. May dala siyang dokumento sa kamay niya na inilapag niya agad doon sa coffee table na nasa gitna namin nang makaupo siya.

"KJS Gaming is a new gaming company under SZ Technologies. Tinanggap mo ang offer, tama ba?" Tanong ni Mom sa akin.

"Yes, Mom." I answered in a low voice.

"I have the contract. Nasa loob ang impormasyon tungkol sa kumpanya nila at sa project. You can sign it. The owner is still on his way. Baka ma-late siya, pero puwede mo na rin pirmahan para details and demands na lang ang pag-uusapan kapag dumating siya." Mahabang sabi ni Dad at mahinang inusod papunta sa harapan ko ang dokumentong nakalagay sa folder.

"You can also read it for preview. Para may ideya ka rin." Sabi ni Mom.

Kinuha ko ang ballpen sa gilid ang binuklat ang dokumento. Diretso akong pumunta sa pinadulong pahina at hinanap ang pangalan ko bago iyon diretsong pirmahan.

Nang iangat ko aking tingin sa kanila. I saw Mom and Dad's reaction. They were shocked. Napakunot naman ako at naguluhan.

"Y-You didn't read it." Sabi ni Dad.

Umiling ako. "Alam ko naman na kung ano ang laman." Sagot ko saka sumandal sa sofa at humalukipkip. Hindi pa rin nagbago ang reaksyon nila. Nagkatinginan pa nga sila.

"W-What if it's your E-"

"Did I came right in time?"

Hindi na naituloy ni Mom ang kanyang sasabihin nang may biglang lumitaw na tao sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. Anong ginagawa niya rito? Napatayo ako.

"What the heck are you doing here?" Nanlilisik ang mga nata kong nakatingin sa kanya.

"Oh, Hello, Mr. Suarez! Please come and have a seat!" Alok ni Dad. "Asha, stop." Dad warned me in his low voice.

Lumapit siya sa pwesto namin at umupo doon sa pang-isahang sofa. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tingin na walang pakialam.

He looked at. "For business. Nothing else."

It was how he looked at me when we first met.

"Well, I think you're lost. This is not your place. Please leave." Mariin na sabi ko.

Gusto kong matawa dahil baka nga naligaw siya rito. Pero hindi ang katulad niya iyong tipong maliligaw.

"Asha, be nice to our client." Suway ni Mom sa akin.

"Client?" Anong sinasabi ni Mom?

"Oo, client natin siya. Siya ang may-ari ng KJS Gaming." Sabi ni Mom. "You'll be working with him."

KJS... Keanu Jin Suarez. Shit! Bakit hindi ko naisip iyon?!

"No. Ayoko. I'm not gonna work with him." Mariin na sabi ko.

"No, Asha. You can't do that! Pumirma ka na sa kontrata." May pagbabantang sabi ni Dad sa akin.

"I'll terminate the contract! O kaya, iba na lang. H'wag lang ako." I was like begging for my life to spare.

"Why?"

Napatingin ako sa lalaking tahimik na nakaupo sa pang-isahang sofa nang magtanong ito. "You are seriously asking me that?" My eyes was bloodshot.

"Did I asked the wrong question?" He asked innocently.

"Are you fucked up?" My teeth gritted because of anger. "Then fuck you!"

"Asha." Dad warned me.

"I won't work on this project. Kahit trilliones pa ang halaga ng proyekto na ito, no pa rin ang sagot ko."

"Hindi ka naman pala magaling."

Napatingin uli ako sa lalaking nasa pang-isang sofa. "What?"

"Hindi bagay sa 'yo ang titulo na 'The Best Digital Artist' dahil hindi ka naman magaling. The clients might be wasting their time and money to you. Because you are worst."

My eyes fell dark. "Anong sinabi mo?"

He looked at me. "You are worst."

My fist clenched tightly. Hindi ko kayang tanggapin ang pang-iinsulto ng kahit na sino.

"Fine. Tatanggapin ko." I nodded my head. "Once I prove you wrong... I'm gonna bury you alive."

He chuckled. "Oh, I'm scared. Good job, my supposed-to-be-wife." He then smirked.

His stares... It was like how he looked at me when we first met.



The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon