"Anong nangyari sa 'yo? Para kang binagsakan ng langit at lupa."
Pagbukas ko ng pinto, malungkot na mukha ni Kean ang bumungad sa 'kin. Gaya ng sabi ko, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Pati nga yata impyerno bumagsak na sa kaniya dahil sa itsura niya ngayon.
Ngumiti pa siya sa akin para sana itago ang emosyon niya, pero huli na dahil nakita ko na iyon. Pagkapasok niya sa pinto ay kaagad niya akong niyakap. Siniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko. Nagulat ako pero inangat ko na lang rin ang kamay ko para haplusin ang likod nito. Naguguluhan din ako kung anong nangyayari sa kaniya, pero mukhang kailangan niya ako ngayon.
Pagkatapos no'n, tuluyan na kaming pumasok sa loob. Umupo siya sa sofa. Naiwan akong nakatayo sa harapan niya.
"Ikukuha kita ng tubig,"
Hindi pa man ako nakakahakbang ay yumakap na ito sa bewang ko kaya napahinto rin ako.
"It's okay, I don't need water. I need you."
Tila nagwala ang mga nilalang sa loob ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Hindi na lang ako gumalaw at hinayaan siya doon sa bewang ko. Hinaplos ko rin ang buhok nito para pagaanin kahit papaano ang loob niya. Mukhang may pinagdaanan siya.
Ano kayang nangyari sa kaniya?
Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon bago niya pinakawalan ang bewang ko at hinatak naman ako paupo sa hita niya. Pagkaupo ko, pinulupot na agad nito ang mga braso niya sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Hoy, anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ko naman. "Tsansing ka lang yata e,"
Umiling siya habang nasa ganoon pa ring posisyon.
"I just want you." Sagot niya.
I bit my lower lip to stifle my smile, but I failed. Ngumiti na ako ng tuluyan at nagpatuloy sa paghaplos sa buhok niya. Para siyang bata ngayon na inaway ng kalaro niya.
Buong maghapon ay tahimik lang rin siya. Parang ang lalim ng iniisip. Noong nagluto rin siya ng hapunan namin ay tahimik lang rin siya. Noong kumain rin kami ay tahimik lang siya. Hindi na rin ako nagsalita bilang respeto sa nararamdaman niya. Baka may nangyari lang talaga sa kanila kaya siya nagkakaganiyan.
Pagkalabas ko ng banyo, katatapos ko lang maglinis ng katawan, naabutan ko na siya sa kama. Nakahiga na siya at nakapikit. Tulog na yata. Dumiretso ako sa salamin para tignan ang itsura ko bago ako pumunta sa kabilang side at humiga sa tabi niya.
Napasinghap ako nang bigla ako nitong yakapin at iusog palapit sa kaniya. Akala ko tulog na siya! Scam pala. He hugged me tightly as he could. Para akong mawawala sa paraan ng pagyakap niya. Ngumiti na lang ako at hinaplos ang braso nito na nasa bewang ko.
At noong gabing iyon, may nangyari na naman sa amin. Naka-two rounds pa.
Mabilis lang rin na lumipas ang bawat araw. Buwan na ng Mayo ngayon. Naghahanda na rin kami sa pagpasok. Malapit na ang balik-eskwela. Tinatamad na naman ako! Wala pa namang gagawin sa first day kaya ayos lang na huwag pumasok.
Pupunta kami ng Mall ngayon. Kasama ko si Riley at Zierah. Si Maya busy daw kay Elijah. May lakad daw sila. Wala naman akong pakialam do'n. Kahit habang-buhay na silang mag-date.
Nagsuot lang ako ng black pants, red tops, at ankle boots. Naglagay rin ako ng light make-up. Maganda naman na ako kaya hindi ko na kailangan ng masiyadong make-up. Pagkatapos kong mag-asikaso, kinuha ko lang ang bag ko at susi ng kotse bago ako umalis.
"O, bakit nandito ang mga 'yan?" Dinuro ko sina Russel at Henry nang makita ito doon.
Naka-akbay si Henry kay Russel habang nakaupo sila doon sa may food court. Si Zierah naman ay tahimik lang na nakaupo at naka-krus ang mga braso. Naalala ko tuloy iyong nangyari sa kanila ni Ken.
BINABASA MO ANG
The Missing Element (Rich Daughters Series #2)
RomansaRich Daughters Series #2 Among the squad, both Asha Gleason and Keanu Suarez, are the least to be in a relationship. It is out of their list. For them, being in a relationship is literally a piece of shit and a waste of time. But, fate was being pla...