26

66 6 0
                                    


"Miss Asha, the meeting has started."

My secretary informed me. Nakaupo lang ako sa swiveling chair ko at nakahawak sa ulo dahil sobrang sakit nito! I drunk last night until dawn. Around 3 AM na ako umuwi. And then I woke up around 6 AM for this meeting.

Fuck it!

Huminga ako ng malalim bago tumayo sa upuan. Sinenyasan ko ang secretary ko na mauna na ito doon sa conference room. Pagkalabas niya, pumikit pa ako saglit bago ako nagdesisyong tumayo. Muntik pa akong bumalik sa pagkakaupo dahil sa naramdamang pagkahilo.

Mahihimatay yata ako!

Kung hindi lang ako kailangan ni Mom and Dad sa meeting na iyon ay hindi na talaga ako pupunta. I was the one holding the project, so I should be there. Dapat huwag na e, pwede naman akong i-represent ng secretary ko.

Tamad akong lumabas ng office ko at naglakad papunta sa conference room. Mabuti na lang nasa same floor lang ang conference room, hindi ko na kailangang magpaka-pagod na bumaba. Pagpasok ko sa loob, naroon na silang lahat. Ako na lang ang hinihintay.

"You're late," inis na bungad ni Mom sa 'kin.

"I know," tinatamad na sagot ko. I didn't bother to look at her and to them. Kilala ko naman kung sino-sino ang narito.

Pagkaupo ko, doon ko lang napansin na mayroon na pa lang tao sa harapan at nagpe-present na.

"Continue," utos ni Mom doon sa lalaki na nasa harapan.

"So, as I was saying earlier..." he continued.

Nakinig naman ako kahit papaano. It was about the project with the KJS Gaming. That guy wasn't here. Mamaya raw siya pupunta sabi ni Mom.

Pa-importante, ampucha!

Pagkatapos ng presentation, pinag-usapan na lang rin ang project para i-settle. Doon pa lang dumating si Kean. Nakasuot ito ng dark blue button-down dress shirt. His hair was styled with wax. Sa akin siya unang napatingin kaya napataas ang kilay ko sa kaniya.

"Hi, Mr. Suarez!" nakangiting bati ni Mom at kinamayan pa ito. "Have a sit."

Umupo siya doon sa katapat ko kaya napa-irap ako.

Mr. Suarez amp! Parang matanda lang.

"Can I just talk to Ms. Gleason alone? Since she is the digital artist of this project," he said looking at me.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Pareho na kami ngayong nakatingin sa isa't-isa. Ang mga mata namin ay parang naglalaban. Kung totoong nagkakaroon ng kuryente sa pagitan ng dalawang mata kapag masama ang titigan, siguro kanina pa iyon kumislap sa harapan namin.

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming magkatitigan sa ganoong paraan. Naramdaman ko na lang na wala nang tao sa paligid namin. Kami na lang ang naiwan dito sa conference room.

"Be fast," bored na sabi ko.

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa 'kin. Sinasabayan ko pa siya noong una, pero noong pagtagal, ako na ang umiwas. Sinadya ko pa siyang irapan noong umiwas ako. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya balak ko na sana siyang pagalitan dahil sinasayang niya ang oras ko!

Tumaas ulit ang isa kong kilay nang tumayo ito mula sa upuan niya at inilagay sa bulsa ang mga kamay. He looked down on me.

"I don't have anything to say actually," he said before turning his gaze to leave the room.

"You fucker!" galit na saad ko bago pa man ito tuluyang makaalis.

"Great." sabi lang niya bago tuluyang lumabas ng conference room. Sa inis ko ay naibato ko na lang bigla ang papeles doon sa pintuan.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon