11

74 6 0
                                    


Warning : R18


"Saan ka pupunta?"

Bumangon kaagad ako sa higaan nang makitang nagi-impake si Kean ng mga damit nito. Nakalapag sa kama ang mga damit niya pati ang suitcase nito na nakabukas at may laman nang kaunting damit.

Tumingin siya saglit sa 'kin bago binalik ang tingin sa mga gamit niyang nakalapag sa kama. I was waiting for his answer.

"I'm sorry, I have to go back to Australia for a moment." Sagot nito na nagpakunot sa noo ko.

"Bakit biglaan yata? I thought we're going to spend new year's eve together?"

Hindi siya kaagad sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pag-aasikaso ng mga damit niya. Malapit na rin siyang matapos at nakabihis na rin siya.

"Kean," mahinang tawag ko rito nang hindi ako sagutin.

He stopped and put down the cloth he is holding. Naglakad siya palapit sa pwesto ko at umupo sa kama. Hinawakan nito ang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi. Naging matagal iyon na parang dinadama niya ang sandali. Humawak ako sa kamay nitong nakahawak sa pisngi ko at pumikit.

Humiwalay siya sa halik at iniwan ang noo naming magkadikit. Hinahaplos nito ang pisngi ko. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya pero ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa mukha ko.

"Bakit kailangan mong bumalik doon?" I asked, nearly crying.

Ilang segundo siyang hindi sumagot. Humiwalay siya sa pagkakadikit ng noo namin at tinitigan ako. Hindi pa rin niya inaalis ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Do you need anything?" Instead of answering my question, he asked.

"I need you." Diretsong sagot ko. "Can you just leave tomorrow? Gabi na. Bakit ngayon ka aalis?"

Nagising lang ako nang maramdamang wala siya sa tabi ko. Doon ko siya naabutan na nagi-impake ng mga damit niya. Hindi niya sinabi sa 'kin ang tungkol rito. Ngayon ko lang nalaman.

"Okay. I'll talk to them."

He is willing to disobey her parents just to be with me this night. Gusto kong makaramdam ng guilty dahil parang ipinapahamak ko siya. Pero gusto kong maging makisarili para makasama siya.

Hindi ko alam kung bakit parang sumisikip ang dibdib ko. Naguguluhan ako. Alam ko naman na babalik siya, pero hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko.

Nakaupo lang ako ngayon sa kama habang nakasandal sa head board. Kausap niya sa phone ang magulang niya. Mom niya. He was talking with her for long minute now. Parang nagtatalo pa sila. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilty dahil doon.

Pagkababa niya ng tawag, hindi kaagad siya lumingon sa 'kin. Bumuntong hininga muna ito at napahilot sa sentido nito bago ako lingonin. Napakurap pa ako dahil sa konsensya na nararamdaman ko.

"T-tumuloy ka na lang kaya?" Mahinang sabi ko at umiwas sa kanya.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nakita ko ang pigura nito na naglakad papunta sa akin. Umupo siya sa kama sa may harapan ko at hinawakan ako sa baba para iharap sa kanya.

"I will stay, because you say so." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng konsensya dahil sa sinabi nito. Hindi niya naman sinabi sa 'kin na baka matatagalan siya o kaya naman... baka hindi na siya bumalik.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon