"Fuck!"
Inis na inis ako nang mauntog ako sa pintuan ng walk-in closet. Medyo nahihilo ako dahil sa ininom kong alak kanina.
Hindi na ako naligo kasi naligo naman na ako kanina. Dumiretso na lang ako rito sa walk-in closet para magbihis. Dumagdag sa sakit ng ulo ko ang pagpili ng damit na susuotin ko!
Syempre kahit hindi ko siya gusto, dapat maganda pa rin ako!
Sa ilang minutong pag-iisip at pag-pili, sa huli, sinuot ko na lang yung red dress na spaghetti strap at hapit na hapit sa katawan ko. Kitang kita ang hubog ng katawa ko.
"Perfect!" Sabi ko habang nakatingin sa full body mirror at nag-flying kiss pa sa sarili ko.
In love talaga ako sa sarili ko.
Inayos ko ang clutch bag na dadalhin ko bago lumabas ng condo unit at diretsong tinungo ang elevator. Pagkarating ko sa parking, mabilis akong naglakad papunta sa sasakyan ko at sumakay doon.
Nag-drive kaagad ako papunta sa address na binigay ni Mom, isang restaurant.
Nang makarating doon, nag-park lang ako saglit sa carpark bago bumaba at tinahak ang main entrance. Bahagya pa akong nagulat nang makitang marami palang kumakain sa loob. Nasa taas kasi ang VIP room kaya hindi maiwasang madaanan ang mga taong kumakain sa baba.
Kaagad na napatingin sa akin ang mga lalaking kumakain, kahit pati 'yong mga may kasamang jowa yata nila, napapatingin sa akin. Napa-smirk tuloy ako bigla dahil sa nangyayari. Nakakatuwa lang.
Ang papangit kasi nila! Hindi nila deserve ang beauty ko.
"Hi, are you Miss Asha Faye Gleason?" Tanong ng isang staff nang makarating ako sa taas.
Tumango naman ako. "Yes."
Tipid siyang ngumiti. "This way, Ma'am." Sabi niya at sinenyas ang kamay niya sa daan.
Naglakad naman ako, nakasunod sa kanya. Naglalakad kami sa hallway. Ilang pinto lang ang nadaanan namin nang huminto siya sa tapat ng isang pintuan. Binuksan niya iyon at gumilid para makadaan ako.
Tumingin pa ako saglit sa loob bago humakbang papasok.
"Oh, she's here." Sabi ng Dad ko kaya napatingin sila sa akin.
Napansin ko na wala 'yong lalaking ikakasal sa akin. Apat na tao lang ang narito. Dalawang matandang lalaki, si Dad at 'yong isang lalaki na siguro Dad niya. Tapos dalawang matandang babae lang rin, si Mom at 'yong isang babae na sa tingin Mom niya. Pang-lima ako.
"Sit down, Asha." Sabi ni Mom habang nakangiti.
Naglakad naman ako palapit sa bakanteng upuan at umupo doon sa tabi niya. May bakanteng upuan sa tabi ko, sa tabi naman niyon nakaupo 'yong isang babae. Siguro dito sa bakanteng upuan nakaupo 'yong lalaki.
Nagkwentuhan lang sila ng kung ano ano habang ako, tahimik lang na nakikinig da usapan nila na hindi ko naman maintindihan.
Pag usapang gurang talaga, labas ang beauty ko.
Wala pang pagkain sa lamesa, siguro hindi pa sila umo-order. Hinihintay pa siguro nila kami. Puro tubig lang ang nasa lamesa, tig iisa kaming lahat. Bukod doon, wala na.
"Your daughter is beautiful!" Sabi ng babae na nakaupo sa tabi ng bakanteng upuan na nasa tabi ko. "I'm sure they'll have a beautiful and cute babies in the future!" Natutuwang dagdag pa niya.
Parang biglang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa narinig at gustong sumuka. Nakakadiri! Babies, ampota!
Napainom tuloy ako ng tubig dahil parang gusto ko talaga sumuka. Baka dahil rin sa alak na ininom ko kanina sa condo. Pero hindi rin, mas nakakasuka pa rin ang sinabi niya. Sobrang nakakasuka!
BINABASA MO ANG
The Missing Element (Rich Daughters Series #2)
RomanceRich Daughters Series #2 Among the squad, both Asha Gleason and Keanu Suarez, are the least to be in a relationship. It is out of their list. For them, being in a relationship is literally a piece of shit and a waste of time. But, fate was being pla...