"Too slow."
Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang naka-krus ang mga braso pati ang legs niya. Napansin ko rin na nakasuot lang siya ng pambahay. Coffee colored shirt and a black pants. Wala rin siyang suot na salamin sa mata. Display lang naman yata niya iyon.
"Paano ka naka-punta dito?" Tanong ko kaagad nang makalapit sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay at pinag-krus rin ang mga braso ko.
"With the use of my car." Pilosopong sagot niya.
Umirap ako. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"I should know where my wife lives."
Napataas naman ang kilay ko at saglit na natawa nang sarkastiko. "Sino bang asawa mo? Dito rin nakatira?"
His lips rose up while straightly looking at me. Hindi ko alam kung anong laro ang nilalaro niya, pero sasabayan ko siya sa trip niya sa buhay. Akala niya ba mahuhulog ako sa patibong niya? Mahinang nilalang!
"Her name is Asha Faye Gleason."
Inirapan ko lang siya nang banggitin niya ang pangalan ko at mas lalong natawa ng sarkastiko dahil sa kalokohang sinasabi niya. Inalok ko siya na umakyat sa unit ko para naman hindi ako magmukhang bastos. Pagpasok niya sa loob, nilibot niya kaagad ang tingin sa paligid. Hinayaan ko lang naman siya, diretso lang akong umupo sa sofa. Hinagis ko pa sa tabi ko ang cellphone ko bago kinuha ang remote para ipagpatuloy ang panonood.
"Do whatever you want." Sabi ko habang nakatutok sa TV, naghahanap ng pwedeng mapanood.
Malaki naman na siya, kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya.
Nakita kong naglakad siya sa harapan at diretsong pumunta sa kitchen. Ngayon ko lang napansin na may bitbit siyang kung ano, naka-paperbag. Hinayaan ko siyang gawin kung ano man ang gagawin niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nanonood. Nagising lang ako nang may maramdamang kamay na yumuyugyog sa akin ng mahina, ginigising ako. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nanlalabo pa ang mga ito dahil kakagising lang kaya hindi ko kaagad nakita kung sino 'yong taong gumigising sa akin.
Nang ma-adjust ko ang paningin ko, nakita ko si Keanu sa harapan ko. Napatingin rin ako sa TV na naka-patay na ngayon.
"Time to eat." Sabi niya.
Tumingin ulit ako sa kanya ng sandali bago gumalaw para bumangon. Umurong naman siya para makatayo ako. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa countertop kung saan may nakahandang pagkain. Diretso akong umupo sa stool at hinawakan ang kutsara. Natulala pa ako. Nakatitig lang ako sa mga pagkain.
Maya-maya naman, dumating na rin siya. Umupo siya sa tapat ko. Tiningnan ko siya saglit bago tumingin ulit sa mga pagkain saka binalik ulit ang tingin sa kanya.
"Bakit ka nagluto?" Tanong ko, inaantok pa. Binitawan ko rin ang kutsara na hawak ko at nilapag iyon sa plato na nasa harapan ko.
Tumaas ang isa niyang kilay. "You haven't eat, right?"
"Kumain na ako." Sagot ko naman.
"What did you eat?" He asked.
"Bread with jam."
"That's not enough."
Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko nang mapansing wala akong balak na kumuha ng pagkain. Tiningnan ko lang siya sa ginagawa niya habang nakakunot ang noo. Pasta ang niluto niya.
BINABASA MO ANG
The Missing Element (Rich Daughters Series #2)
RomanceRich Daughters Series #2 Among the squad, both Asha Gleason and Keanu Suarez, are the least to be in a relationship. It is out of their list. For them, being in a relationship is literally a piece of shit and a waste of time. But, fate was being pla...