15

73 7 15
                                    


"Nag-take ka ba ng cooking school?"

Na-curious rin ako kung bakit ang galing niyang magluto kaya tinanong ko iyan. Hindi pa kami nagugutom kaya tumambay muna kami rito sa may tabi ng dagat at nagkekwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa buhay namin. Nakasalampak kami sa may buhanginan.

"No," umiiling na sagot niya.

"E, bakit marunong at magaling kang magluto?" Curious na tanong ko na naman.

Bigla siyang tumingin sa akin na parang may nasabi akong ikinatuwa niya. Tinaasan ko siya ng kilay at nagtatakang tiningnan. Bigla na lang siyang tumawa ng mahina kaya mas lalong kumunot ang noo ko at naguluhan.

"I'm good?"

Ngayon, na-realized ko na ang reaksyon nito. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Oo, inaamin kong magaling naman talaga siya e! Mahilig akong mag-order lang noon dahil bukod sa tinatamad akong magluto, palagi akong niyayaya ng mga kaibigan ko sa mga inuman. Alak na yata ang madalas na nagiging hapunan at tanghalian ko noon.

"I was always left alone at our house in Australia..." panimula nito. "I needed to learn things in able to take care of myself."

Hindi muna ako nagsalita at hinintay itong magsalita ulit. Mukhang malalim ang pinanggagalingan ng sinabi niyang iyon. Pareho kami ng sitwasyon sa parteng 'naiiwan sa bahay', ang pinagkaiba lang, hindi ako natutong magluto na kasing galing niya! Pero may alam ako.

"I was in freshmen highschool at that time. Actually, before I enter highschool, I already eager to train myself."

Huminto ulit siya at naghintay na naman ako, pero hindi na siya ulit nagsalita.

"Pareho pala tayong naiiwan sa bahay," singit ko naman.

"Then, how come you didn't learn how to cook?" Inirapan ko ito dahil parang pinagtatawanan niya ako sa tono ng pananalita niya.

"Hindi naman lahat gaya mo na willing matuto, 'no! May mga gaya ko na mas gusto na lang lumayas sa bahay at maggala. That's more fun." Depensa ko kaagad.

"So, you took liquors as your meal for everyday?" Nag-iba na ngayon ang boses nito, parang sinesermonan na ako.

"Medyo, oo, siguro," hindi siguradong sagot ko. Hindi ko naman kasi inaaraw-araw, 'no! May laktaw na one day or ilang hours, ganoon.

Nagdesisyon na rin kaming bumalik sa rest house dahil pareho kaming nakaramdam ng gutom. Siya pa rin ang nagluto at ako pa rin ang naging taga-panood niya. Ayaw naman niya akong hayaan na tulungan siya e! Manonood na lang ako rito kung ayaw niya.

"Turuan mo nga akong magluto," sabi ko ulit dahil naboboring na ako rito!

Tumigil siya sa paghihiwa at tumingin sa akin, nagdadalawang-isip. Hindi pa kasi siya nagsisimulang magluto, inihahanda pa lang niya ang mga ingredients na gagamitin niya.

"Okay, come here," ngumiti ako saka naglakad palapit sa kanya.

Kinuha niya ang isang apron na kulay brown at isinuot sa akin. Tumalikod ako para maitali niya ang nasa likod. Napa-igtad ako nang bigla nitong halikan ang leeg ko habang tinatali ang apron sa likod ko.

"Hoy, tsansing ka ah!"

"Your smell is alluring, that's why."

Humarap na ako sa kanya nang matapos nitong itali ang apron sa akin.

"Magluluto tayo. Pagkain ang kakainin natin hindi tao,"

"It can be a human,"

"Hoy, tumigil ka nga! Tara na," sabi ko at tinulak na siya paharap sa mga ingredients na naroon sa may countertop.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon