"Ayokong sumama, baka sapak ang maging regalo ko sa kaniya."
Nag-aaya si Kean na pumunta doon sa birthday ng kababata niyang mukhang kuhol. Ano ngang pangalan no'n? Hindi ko talaga maalala. Hindi naman kailangan. Mas maganda pa ako sa kaniya. Sa Yacht daw ang party nila. Hindi ko na tinanong kung saang lugar.
"Hey, don't be harsh with her." Saway nito sa akin pero inismiran ko lang siya.
Sana lumubog 'yung yacht na 'yon tapos siya lang ang hindi makaligtas. Char!
"Are you sure? You don't want to come with me?" Paniniguro pa nito.
Umiling ako. "Hindi na. May pupuntahan rin kasi ako."
Balak ko pang kumustahin si Maya. Hindi pa siya nagkekwento tungkol do'n sa nangyari sa kanila ng Elijah niya. Malapit nang matapos ang May kaya dapat may alam na ako bago pa man matapos ito.
Umalis naman na si Kean. Pagkaalis niya, nag-asikaso na rin ako. Dito siya sa condo ko nag-stay simula noong nakaraang dumating siya na parang binagsakan ng langit at lupat pati impyerno. Gusto niya raw akong kasama palagi. Ganoon talaga pag maganda.
Doon ako sa condo ni Maya didiretso. Ayaw daw kasi niyang lumabas dahil ang pangit ng itsura niya. Napaka-arte talaga ng gaga'ng 'yon. Ako pa tuloy ang mage-effort na puntahan siya sa condo niya. Feeling VIP, ampucha!
Nagsuot lang ako ng wide leg pants at fitted tops. Nagdala lang rin ako ng maliit na bag na ang laman ay phone ko at make-up na pang-retouch. I did a final look in the mirror before going out.
Mabilis lang rin akong nakarating dahil hindi naman traffic. Bukas ang pintuan ni Maya kaya hindi na ako nag-abalang kumatok o mag-doorbell. Dire-diretso lang akong pumasok at hinanap siya. Nakaupo siya doon sa sofa at nanonood. Kumakain pa ng Kettle Corn. Hayop na 'yan! Parang hindi sawi, ampota.
"Hoy, ano 'yan? Tapos na sawi era mo?" Bungad ko sa kaniya at nagpamewang pa na parang nanay niya. Tumingin siya saglit sa 'kin saka nagpatuloy sa pag-kain ng kettle corn.
Lumapit na ako at kaagad na binatukan ito.
"Aray!" Reklamo niya at sinamaan ako ng tingin. "Apaka gago! Muntik ko nang malunok 'yung kettle corn!"
"Napaka-ingay mo!" Sigaw ko rin sa kaniya. "Ano na?! Nag-aano ka diyan?"
"Nanonood," pamimilosopo nito. "Tapos kumakain."
Napasapo na lang ako sa sarili kong noo dahil sa katarantaduhan ng babaeng ito. Sinabihan ko siya na magkwento na siya sa 'kin tungkol sa nangyari sa kanila noong nakaraan. Mukhang ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol doon dahil kada salita ko, pinuputol niya o kaya naman iibahin niya ang topic. Hinayaan ko na lang rin dahil baka nasasaktan pa rin talaga siya. Mga ilang taon pa siguro bago 'yan makaka-move on. Tanga 'yan e.
"Sleepover ako dito," sabi ko.
"Sleepover ka dito?!" Parang nagulat pa siya nang sabihin ko iyon.
Wala naman kasi si Kean. Tinatamad na rin akong umuwi sa condo. Malapit nang tumirik ang araw. Napaka-init pa naman! Kaya ayoko nang bumalik doon. Maaga akong pumunta dito, mga alas-dyes. Si Kean rin maagang umalis dahil malayo rin daw 'yon. Ayaw pa nga sana niyang pumunta pero kailangan daw dahil sabi ng magulang niya. Kung ako 'yon, hindi ako pupunta. Ako ang batas sa sarili ko.
"Anong pagkain mo?" Tanong ko nang makatayo mula sa sofa. Nagugutom na rin ako dahil hindi pa ako naga-almusal.
"Ewan ko lang," lumingon pa ako sa likod ko nang marinig ang boses niya. Mabilis kong naitulak ang mukha niya dahil sa gulat. Nakasunod pala ang gaga sa 'kin!
BINABASA MO ANG
The Missing Element (Rich Daughters Series #2)
RomanceRich Daughters Series #2 Among the squad, both Asha Gleason and Keanu Suarez, are the least to be in a relationship. It is out of their list. For them, being in a relationship is literally a piece of shit and a waste of time. But, fate was being pla...