10

83 7 4
                                    



"Pupunta ba tayo sa christmas fest ng school?"

Nandito ako sa condo niya. Nakasalampak ako sa sofa at nakasandal ang likod ko sa arm ng sofa na ito, habang ang mga hita ko naman, nakapatong sa hita niya. Nakaupo rin siya sa sofa, sa may harapan ko.

"Are we going, babe?" He also asked, then he looked at me.

"Ikaw nga ang tinatanong ko eh." Parang naiinis na sabi ko.

Siya nga ang tinatanong ko! Baka kasi gusto kong pumunta pero ayaw niya, kaya siya na ang tinanong ko. Okay lang naman sa akin kung pupunta kami o hindi. Kahit anong desisyon, ayos lang sa 'kin.

"It's okay with me if we go or not. You decide." Sagot nito at bumaling na ulit sa TV. Nanonood siya ng palabas na tungkol sa mga laro. Basta yon.

"Hindi ko rin alam kung pupunta ako." Sabi ko naman, nakatingin na rin sa TV.

"Should we just go to other place?" Tanong nito at hinaplos ang hita ko gamit ang isa nitong kamay.

"Saan naman?" Curious na tanong ko.

"Around Philippines or outside." Sagot naman niya, parang pinagdedesisyon ako.

Napag-usapan namin na pumunta na lang sa christmas fest, kahit saglit lang. Plano rin naming gumala kung saan-saan nitong mga susunod na araw. Wala naman nang pasok kaya marami kaming pwedeng gawin kung sakali.

Dumating ang araw ng christmas fest ng school. I am busy fixing myself for the event. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at off-shoulder tops. Nagdala rin ako ng sling bag para paglagyan ng make-ups for retouch at ng phone ko. I had a final check in front of the full body mirror before leaving my room.

Nasa parking na si Kean, naghihintay. Dapat aakyat pa siya pero sabi ko, huwag na. Tapos na rin kasi akong mag-asikaso noong mag-text siya na nasa baba na daw siya, kaya hindi ko na pinaakyat.

I was busy checking my sling bag when I got bumped to a human. Masiyadong malakas ang pagkakatama nito sa braso ko kaya nakaramdam ako ng kirot doon.

"God, why are you not looking on your way! Stupid." She hissed.

Agad nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Bakit hindi ka rin nakatingin sa dinadaanan mo?"

Maganda ang araw ko ngayon tapos sisirain ng babaeng ito.

"I have no time for your stupidity. Excuse me." Sabi nito at naglakad paalis.

Napairap na lang ako sa hangin habang tinitingnan itong maglakad paalis sa akin. Ang sakit ng balikat ko. Parang may mabigat na tumama sa 'kin. Hayop!

Para tuloy akong may pilay dahil sa bagal ng paglalakad ko papunta sa mismong sasakyan ni Kean. Nakita ko na siya mula sa malayo, nakasandal sa sasakyan niya at nakatutok sa phone niya.

"What happened to you?" Napatingin ako sa kanya nang magtanong ito. Hindi ko na-realized na nakahawak pala ako sa balikat ko.

Binaba ko ang kamay ko na nakahawak sa balikat ko at umiling. "Wala. Tara na."

Parang ayaw niya pang maniwala kaya bahagya ko siyang tinulak paalis sa pintuan ng shotgun seat. Binuksan naman niya 'yon at pinapasok ako saka siya umikot sa may driver's seat at sumakay doon. He fix his seatbelt before starting the engine. I was still bothered with my shoulder, the pain isn't calming. It still hurt! Sarili ko na lang ang kinalma ko.

Hanggang sa makarating kami sa school, napupunta pa rin ang atensyon ko sa masakit kong balikat. Malakas ang impact ng pagkaka-bangga sa 'kin. Paano nangyari 'yon?

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon