"Putangina!"
Naihampas ko sa lamesa ko ang dokumentong dala ko dahil sa inis kanina sa meeting. Bakit kailangang siya pa ang maging kliyente ko? Pagkatapos, in-insulto pa niya ako! Fucking bastard!
"Galit na galit ka yata?" maingat na sambit ni Eric. Hindi ko alam na sumunod pa pala siya sa 'kin hanggang dito sa office ko.
I glared at him. "Tuwang-tuwa ako," masungit na sagot ko.
"Pilosopo," he laughed a little.
"Bakit sumunod ka pa? May kailangan ka pa ba?" Tinaasan ko na siya ng kilay dahil sa inis ko.
Tinaas nito ang dalawa niyang kamay, sumusuko na. Tinitigan ko lang naman siya.
"Okay, aalis na," sabi niya at dahan-dahang umatras palabas ng office ko. Napa-iling pa ito bago tuluyang lumabas.
Pinanood ko lang siyang makalabas sa pinto ng office ko bago ako napahawak sa ulo ko at inis na ginulo ang buhok ko. Ang aga-aga pa, pero mukha nang pang-hapon ang mood ko dahil sa lalaking iyon.
Hindi ko na magawang makapag-focus sa mga ginagawa ko dahil do'n. Tumayo na lang ako at lumabas. Lalabas muna ako ng kumpanya para maglakad. I need fresh air.
Paglabas ko ng opisina ko, binati pa ako ng mga empleyado. At dahil badtrip ako, hindi ko sila pinansin, tuloy-tuloy lang akong naglakad paalis. Pagpasok ko ng elevator, sinira ko kaagad iyon. Humalukipkip ako at pinanood na sumara ang pinto.
It was half-closed when someone stopped it from closing. Napa-angat ang ulo ko at tinignan kung sino 'yon. Nagulat ako nang makita kung sino iyon. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat.
Kean.
Tumingin lang siya sa 'kin bago umiwas at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay saka naglakad papasok. Sinundan ko pa siya ng tingin. Masama na ang tingin ko sa kaniya. Parang gusto ko siyang sipain palabas.
Bakit nandito pa siya?
"Excuse me, Miss Gleason, staring is rude." sabi niya nang hindi tumitingin sa 'kin.
"Gago ka pa rin talaga," mahinang sabi ko, naiinis. Inirapan ko pa ito kahit hindi siya nakatingin.
Tumahimik na ako at hindi na nagsalita. Siya naman, may kung anong kinakalikot sa phone niya. Muntik pa akong mapatingin nang tumunog iyon, may tumatawag. Kita ko sa sulok ng mga mata ko na tinitigan pa niya iyon, parang nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya o hindi. Bandang huli, sinagot rin naman niya.
Pakipot pa!
"Yes, baby?" Malambing na bungad nito sa kausap niya.
Baby, ampucha. Ew, corny!
Humalukipkip ako at umirap sa itaas ng elevator. Napatingin pa siya sa akin noong tumingala ako.
"I'll be there in a minutes," sagot niya sa kausap.
Ma-traffic ka sana.
"Bye, love you!" He ended the call.
Binalik na ulit niya sa bulsa ang phone niya at tumingin sa numero doon sa itaas ng elevator.
Nang bumukas iyon, sabay pa kaming humakbang para lumabas. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay na sinabayan din naman niya.
"Ladies first," mariing sabi ko.
His jawline moved, stifling an amuse smile. He also look on his side to avoid my eyes. I saw how he pushed his cheeks using his tongue and how his jawline agreesively moved. He looked back at me and gestured his hands, letting me go first. I sarcastically flash a smile before walking out from the elevator.
BINABASA MO ANG
The Missing Element (Rich Daughters Series #2)
RomansaRich Daughters Series #2 Among the squad, both Asha Gleason and Keanu Suarez, are the least to be in a relationship. It is out of their list. For them, being in a relationship is literally a piece of shit and a waste of time. But, fate was being pla...