07

82 8 1
                                    


"Hoy, sis!"

Umirap ako kay Maya bago naupo sa bakante. Ang ingay ng bunganga nito!

Nandito kami ngayon sa bar nila Zierah kasi nagyaya sila. Tinatamad pa ako noong una dahil wala talaga ako sa mood nitong mga nakaraang araw, pero dahil bored din naman ako, pumunta na lang ako.

Naiirita rin ako sa mga tawag ni Maya. Kanina pa ako kino-contact! Nangungulit na sumama ako.

"Bakit parang binagsak ka ng langit dito sa lupa?" Tanong ni Russel, sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Eh kung ikaw kaya ibagsak ko mula sa langit pababa ng impyerno?" Masungit kong sabi sa kanya.

"Masungit si Birthday girl. May dalaw yata." Sabi naman ni Mark, napakunot ako dahil sa sinabi niya.

"Birthday girl?" Nagtatakang tanong ko.

"Ay, tanga! Problemado nga ang isang 'to. Nakalimutan na birthday niya ngayon." Sabi ni Maya, umiiling.

Kumunot lalo ang noo ko. "Ano ba ngayon?"

"November 20!" Sabay-sabay nilang sagot.

"Kailangan sabay-sabay?" Nainis ako bigla at inirapan sila.

Nakalimutan ko nga ang birthday ko. Was I too busy to forgot that? Ano naman? Wala naman akong ginagawa tuwing birthday ko, maliban sa ganito, uminom ng alak kasama sila. Para namang napaka-special.

"Nasaan si Zierah?" Tanong ko nang hindi makita si Zierah sa paligid.

"Nag-C.R lang siya." Sagot naman ni Ken na nakaupo sa couch at may hawak na alak sa kanang kamay. "Happy birthday pala." Bati pa niya saka ngumiti.

"Salamat." Pasalamat ko naman at ngumiti ng tipid.

"Happy birthday, Ashangot. Sana magka-jowa ka na."

Sinamaan ko ng tingin si Maya nang batiin ako nito. Tumawa naman siya ng malakas. Alam niya ang tungkol sa amin ng lalaking iyon kaya ganiyan ang naging pagbati niya.

"Happy birthday, pre. Sana hindi ka na masungit." Bati naman ni Russel. Nasa tabi ko siya kaya nahampas ko kaagad ang braso nito.

Napangiwi naman siya. "Kaso mukhang malabo." Dagdag pa niya habang hinihimas ang parteng hinampas ko.

"HBD. Okay na 'yan, suplada ka naman." Sabi naman ni Mark at agad na tumayo mula sa upuan niya para tumakbo.

Nabangga pa niya si Zierah na kararating lang kaya tinulak siya nito na ikinagulat niya. Tawa naman nang tawa sina Maya at Russel pati na rin ang iba.

"Pag ikaw nahawakan ko, sasakalin talaga kita." Banta ko bago siya inirapan. "Dapat may mga regalo kayo. Hindi na uso ang bati lang ngayon, 'no!"

"Ang demanding!" Komento ni Russel.

"Hindi ko inaasahan na may regalo ka, kuripot ka kasi." Sabi ko sa kaniya.

"Aba, wala naman talaga akong balak na regaluhan ka, 'no! Asa ka naman." Sabi nito at inirapan pa ako.

"F.O na tayo, tol! Fake friend ka." Sabi ko sa kanya at inirapan rin siya.

"Sige, ipapakalat ko." Sabi naman niya.

"Anong wish mo?" Seryosong tanong ni Maya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nag-isip saglit.

"Kailangan ba no'n?" Tanong ko rin saka lumagok ng alak.

"Depende sa trip mo." Sagot naman ni Russel. "Sana hindi pa ako mamatay, 'yan magandang wish."

"Wish ba 'yan para sa sarili mo? Baka kasi ipa-patay kita, 'no?" Sabi ko naman sa kanya at umirap.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon