28

70 6 0
                                    


"Ang sama ko!"

Halos patayin ko na ang sarili ko gamit ang unan na tinataklob ko sa mukha ko. Inis na inis ako dahil sa nalaman ko kahapon doon sa restaurant. Hindi ako makapaniwalang ang tanga ko sa part na hindi ako nakinig sa kaniya. Pero anong magagawa ko? 'Yon ang nakikita kong tama noon.

Hindi ako pumasok sa kumpanya dahil wala ako sa mood. Pupunta rin ako sa birthday celebration ng anak ni Zierah mamaya. Medyo tinatamad pa nga ako pero kailangan kong pumunta doon.

Bumangon ako sa pagkakahiga at nanatiling nakaupo sa kama. Hindi pa rin mawala sa utak ko si Kean. Parang nahiya ako bigla na magpakita sa kanya. Hindi naman niya ako masisisi, 'di ba? Pero may kasalanan pa rin ako!

Napahiga ulit ako dahil sa inis. Diniin ko ulit ang unan sa mukha ko. Parang gusto ko nang patayin ang sarili ko, pero naalala ko na hindi pala pwede, dahil mawawalan ng maganda sa mundo. Kawawa naman sila.

Ilang oras pa akong nanatiling nakahiga bago ako nagpasyang tumayo para mag-asikaso. Tinawagan na rin ako ni Maya kanina. Pinapapunta niya na ako para daw tumulong sa gawain doon sa bahay nila Zierah. Naroon na raw silang lahat.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng jeans at fitted tops. Tinali ko rin ang buhok ko ng high ponytail. Naglagay na rin ako ng light makeup. I did a final look on the mirror before going out.

Pagdating ko sa bahay nila Zierah ay naroon na nga sila. Nag-aaway na naman si Maya at Russel dahil sa balloons.

"Tangina mo ka! Pinuputok mo lang!" singhal ni Russel kay Maya. Para silang nasa magkabilang bundok kung mag-usap.

"Bobo ka ba? Hindi ko nga 'yon sinasadya!" Sigaw rin ni Maya sa kanya.

"Nag-aaway pa kayo, pareho lang naman kayong bobo!" singit ko naman. Nilapag ko lang saglit sa may sofa ang dala kong bag at regalo para sa anak ni Zierah bago lumapit sa kanila.

"Ako na nga!" Stress na sabi ni Russel.

Si Mark at Fred ang nag-aayos ng happy birthday banner. Ito namang dalawa, nag-aaway lang dahil sa balloons. Kaunti pa lang ang napapalobohan nila. Malamang, puro away lang ginawa nila.

"Here, we have pump." Sulpot ni Zierah dala ang pambomba para sa lobo.

"Ay, tanginang 'yan! May ganyan naman pala e, pinahirapan pa kami." reklamo ni Russel.

"You're too excited. It's not my fault." Sabi ni Zierah.

Tumingin siya sa 'kin at nginitian ako kaya ngumiti rin ako. Napansin ko ang tiyan na. Malapit na rin siyang manganak ulit. Buntis na siya sa pangalawang anak nila. I think two months from now, manganganak na siya. I'm not really sure. Buhay nila 'yan eh.

"Where's Zia?" Tanong ko sa kaniya.

"She's with Ken," sagot niya, parang nagtatampo pa. Daddy's girl kasi ang batang 'yon. Nakuha niya rin ang ugali ng daddy niya. Napaka-kulit.

Napatingin ako sa pinto ng kusina nang may lumabas mula roon. Si Riley. Nakasuot pa siya ng apron. Siguro tumutulong siya sa pagluluto.

"Oh, buti pumunta ka?" May pang-aasar na sabi ni Riley, naka-ngiti.

"Ikaw rin, bakla." Sabi ko naman. Tumawa naman siya. Madalas kasi siyang out of town o kaya naman out of the country. Balak yata niyang libutin ang buong mundo.

Napatingin kami kila Maya at Russel nang may pumutok bigla na lobo. Natawa pa ako dahil nakita kong napaigtad sa gulat si Fred at Mark na nag-aasikaso pa rin sa banner.

"Putangina niyo! Kanina pa may pumuputok!" Inis na sabi ni Mark.

"Hindi marunong magpalobo!" biglang sulpot ni Henry. "Parang hindi ka naman nagpapalobo ng condom."

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon