23

59 7 0
                                    


"Wohoo! Putangina!"

Buong lakas akong sumigaw at sumayaw kasabay ng malakas na tugtog kahit may mga luha na patuloy na tumatakas mula sa mga mata ko pababa sa pisngi ko. Wala akong pakialam kung may makakita pa sa 'kin. Masiyadong crowded at masikip kaya tingin ko hindi rin naman nila mapapansin ang mukha kong basang-basa.

I was trying so hard to enjoy this party despite of what happen earlier. Hindi ko alam kung nariyan pa ba siya o umalis na. Sana nga umalis na siya para hindi na kami magkita pa.

Para na akong baliw na tatawa pagkatapos hahagulgol. Hindi ko maiwasan dahil naalala ko 'yung babaeng 'yon. Naaalala ko rin kung paano nila pinaligaya ang isa't-isa. Binabaliw ko na rin ang sarili ko sa mga tanong na ako lang mismo ang gumagawa. I was hurting myself fucking more!

"Hey, miss beautiful! Wanna dance with me?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa gilid ko.

"I can make myself dancing," masungit na sagot ko at tinalikuran na ito.

I was holding a two bottles with my two hands. Salit-salitan kong iniinom iyon. Pagkatungga ko, muntik pa akong matumba pero may braso namang sumalo sa 'kin. Nang iangat ko ang ulo ko, I saw Red. Ngumisi ako at pinilit na umayos ng tayo. Tinulungan naman niya ako.

"Should I bring you back to condo?" Tanong nito.

"Sa condo mo?" Ngumisi ako na parang baliw. "Ikaw ha! May pagnanasa ka pala sa 'kin," pang-aasar ko at tumawa na parang baliw.

I heard him gasped. "Tatawagan ko sila Zierah," sabi niya at kinapa ang phone nito sa bulsa pero pinigilan ko siya.

"'Wag!" Mabilis na pigil ko. "Please.." I did a puppy eyes.

Tumingin siya sa 'kin na parang nag-iisip pa kaya mas nagpa-cute pa ako sa kaniya.

"Okay," he surrendered.

"Tara! Inom na lang tayo," aya ko sa kaniya, naka-ngisi.

"I don't think you can still drink," sabi nito.

"Don't underestimate me," lasing na sabi ko at dinuro pa ito.

Sinasabi ba niyang mahina ako? Gago!

"Tama na, you look awful," seryosong sabi nito. "Iuuwi na kita, let's go," hinawakan na niya ang braso ko, pero binawi ko kaagad 'yon.

"No, ayoko," pagmamatigas ko. "Uminom na lang kasi tayo," pamimilit ko pa.

"Did you broken up with your man?" He seriously asked, raising a brow.

Tumawa ako. "Anong man? Hindi ako nagjojowa, 'di ba? Ayoko ng relationship,"

"Really?" He wasn't buying it. "Let's go somewhere else," sabi niya.

"May alak din ba ro'n?" Tanong ko naman.

"You only care about liquor," napapa-iling na komento nito bago iminuwestra ang kamay para maglakad na.

Sumama na lang rin ako sa kaniya dahil gusto ko na rin namang pumunta sa ibang lugar. Baka makita ko pa ang lalaking 'yon dito sa tower. Hindi ako sigurado kung umalis na siya. Pakiramdam ko hinahanap niya pa rin ako.

Pagpunta namin sa parking, nagulat ako nang may matanaw na lalaki na nakatayo doon malapit sa sasakyan ko. It was Kean. Matalino talaga siya. Alam niya kung saan ako dapat hintayin.

"Don't worry, my car is here,"

Parang naramdaman rin ni Red na ayaw kong lumapit doon sa sasakyan ko. Siya ang nagbukas ng shotgun seat para sa 'kin. Sumakay na rin ako kaagad para hindi na ako makita ng lalaking 'yon. Umikot si Red sa kabila para pumasok sa driver's seat.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon