30

69 6 0
                                    


"Tuloy ang kasal?!"

Binatukan ko tuloy si Maya nang sabihin niya ng malakas iyon. Kulang na lang isigaw niya sa buong mundo ang balita na sinabi ko! Mabuti na lang kaunti lang ang kumakain dito sa coffee shop kung nasaan kami.

"Sinong ikakasal?" Napatingin kami nang dumating si Riley. Umupo siya sa katapat na upuan namin.

"Bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi namin siya sinabihan na narito kami.

May kung ano siyang kinalikot sa phone niya bago iniharap sa akin para ipakita. My day ni Maya sa IG. Apat na picture iyon. Mayroong picture ng harapan ng coffee shop. Mayroon ring picture ng mga chairs and table sa loob nito. May pictures ng maliit na halaman na nasa gitna ng table namin at ang panghuli, pictures naming dalawa pero nakatingin lang ako sa labas ng glass wall.

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil doon. Agad naman siyang nag-peace sign. Hindi ko man lang nalaman na nag My Day pala siya! Tumingin man lang sana ako sa camera.

"So, who's going to have a wedding?" Napatingin ulit ako kay Riley nang magtanong ito.

"Hindi naman siguro ako kasi wala naman akong jowa." Nagpaparinig na sabi ni Maya saka sumimsim sa iced chocolate drink niya.

"Is it me?" Sarkastikong tanong ni Riley, tinuro pa ang sarili. "I don't think so."

Tumingin silang dalawa sa akin nang hindi ako magsalita. Pareho ko silang tinaasan ng kilay at nagtagal iyon kay Maya na halos maibuga na ang iniinom niya para tumawa.

"Sino pa ba'ng ituturo ko dito para iligtas ang sarili ko?" Masungit na tanong ko at umirap saka uminom ng kape na inorder ko. Narinig ko lang silang tumawa.

"So, ano? Nagkabalikan na talaga kayo?" Excited na tanong ni Maya, dumukwang pa sa lamesa para mas makita ako.

"He even sang for you last month!" Sabi naman ni Riley. Iyong birthday ni Zia ang tinutukoy niya.

"Oo." maikling sagot ko.

"Kailan pa?" Excited na tanong na naman ni Maya, sobrang lawak pa ng ngiti niya.

"Two weeks ago?" Hindi siguradong sagot ko. Hindi ko na rin kasi nabilang.

"Bakit ang tagal?" Parang dismayado pa si Maya sa naging sagot ko. "Akala ko naman nagbalikan na kayo noong kumanta siya. Nakita ko pa nga kayo sa may bench nag mo-moments e!"

"Ay, wow! E 'di sana ikaw na lang naging ako, 'di ba?" Malapit ko na siyang kutusan.

"How was it?" Tanong ni Riley.

"He courted me again after that day we talked, noong birthday ni Zia." Sagot ko sa kanya.

"And then you are engaged?" Tanong ulit ni Riley. Tinaas ko ang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring ko. It was a silver diamond ring. Maliit lang ang diamond.

"Wow! Congrats." She greeted with a smile.

"My third engagement ring. All are him." Dagdag na impormasyon ko pa.

"Baka gusto mong dagdagan pa ng isa tapos bigay mo sa 'min, tig iisa. Mahal din yan pag binenta." Pagbibiro ni Maya.

"Gago." Mura ko naman. "Nahawa ka na ni Russel."

"Ay, yuck!" Ngumiwi kaagad siya.

"Ako nang bahala sa wedding gown mo if ever, at pati na rin sa outfits ng mga bridesmaid at iba pa." Suhestiyon ni Riley. "Twenty percent na lang ang babayaran mo. Oh no! Ten percent." Dagdag pa niya.

"Ay, wow! Bakit kay Zierah walang bayad, tapos pag dating sa akin, meron? Unfair mo ha." Reklamo ko naman.

"I don't remember Zierah getting her dress and others for free. She paid more than two hundred percent." Sagot naman niya.

The Missing Element (Rich Daughters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon