Sa dalawampu't tatlong taon ng buhay ko sa mundong ito pakiramdam ko palagi nalang akong nakikipaglaban.
Palagi nalang akong inaapi at palagi akong natatalo.
Pakiramdam ko palaging may kulang.
Hindi ko alam kung sino ba talaga ako.
Pakiramdam ko ay hindi ako buo.
Lahat nalang kasi ng tao sa paligid ko iniiwan at itinataboy ako palagi raw kasi akong may kakambal na kamalasan.
Pero dahil sa isang hindi magandang pangyayari sa buhay ko ay aking narating ang isang mundo kung saan napunan lahat ng kulang na di maibigay sa'kin ng mundong kinabibilangan ko.
Sa mundong ito ko naranasan ang pagmamahal na kailanman ay di ko naranasan sa mundo ng mga mortal na kagaya ko.
Marahil ay iba nga ako sa kanila pero dito ko naranasan maging buo, maging matatag at magmahal ng walang katumbas.
Puwede bang dito nalang ako? Kasama ng mga taong minamahal ko. Maaari bang huwag nalang ako bumalik sa totoo kong mundo?
Kasi para sa akin, ang mundo ay hindi literal. Ang mundo ay kung saan mo matatagpuan ang tahanan, kapayapaan at pagmamahal na paninindigan ka hanggang sa dulo. Siya ang mundo ko at siya lang ang ituturing kong mundo.
~**~
This is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasy𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...