Kabanata 8

18 2 0
                                    

Kinagabihan nang maging maayos na ang aking pakiramdam ay aking isinalaysay kay Alina ang sinabi sa'kin ng amang hari. Siya man ay tila nagulat at hindi makapaniwala.

"Nasaan na kaya ang babaeng iyon ngayon? May kinalaman ba siya sa nararamdaman mo ngayon?"

"Tulad ng sinabi ko sa'yo kanina, pinrotektahan ako ni ama sa pamamagitan ng pagbabalot ng kapangyarihan niya sa tatak sa likod ko na nag uugnay sa'ming dalawa. Mararamdaman ko lamang daw ang nararamdaman ng babaeng iyon kung nasa iisang lugar na kami at imposible raw na mapapad iyon dito."

"Paano kung nandito nga siya?"

"Kailangan natin siyang protektahan dahil kung mapapatay siya ay mamatay rin ako. Maliban na lamang kung siya mismo ang papatay sa sarili niya."

"Ako kaya kanino naman ako ipinagkasundo ng ama natin?" Tanong niya.

"Sa tingin ko naman ay hindi na niya iyon ginawa. Isang taon lang ang pagitan natin. Sigurado akong natuto na ang amang hari sa pagkakamali niya."

"Mabuti kung ganoon dahil gusto kong magmahal ng malaya. Gusto kong umibig ng may kapayapaan, na walang iniisip kung mayroon ba akong masasaktan. Matutulog na muna ako." Sabi niya at umalis na sa kamang hinihigaan ko katapat ni Elara.

Tiningnan ko si Elara at mahimbing siyang nagpapahinga. Kung pwede lang talaga mabago ang nakatadhana mas pipiliin ko ang maging malaya at mahalin ang kung sinong gusto kong mahalin, mortal man siya, imortal, diwata o kahit panginoon pa.

~**~

Dalawang araw na ang nakalipas at hindi pa  bumabalik muli si Adiram. Ano ang ibig sabihin no'n? Hindi niya na ba kukunin dito si Elara? Mabuti sana kung ganoon pero paano ang sumpa sa hangin na inilagay niya sa loob ng medicamentum ni Alina?

Nandito ako sa balkonahe at nakatanaw sa mga ulap sa ilalim. Ang medicamentum kasi na ito ay nasa ibabaw ng mga ulap. Pinasadya ito ng amang hari para kay Alina dahil gusto niya ng sariling tirahan para magamit ang kakayahan niyang manggamot ng kahit anong uri ng sakit at sugat.

Pumunta ako rito upang makalanghap ng hangin.  Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ko nga kaya mahahanap ang babaeng itinakda sa'kin ng aking ama? Hanggat nakatakda ako sa kaniya at hindi ako pwedeng magmahal ng iba dahil parang pagtataksil na rin iyon sa kaniya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo kapatid ko." Lumapit sa'kin si Alina at iniabot sa'kin ang salabat na gawa niya.

"Huwag mo akong pansinin. Mabuti pa ay si Elara ang asikasuhin mo."

"Ginawan ko rin siya ng salabat at ng makakain gamit ang dala ni Adiram noong nakaraan. Ano mang oras ay maaari na siyang gumising." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Alina.

"Mahal na Prinsipe, Prinsesa Alina." Nagbigay galang muna si Oran sa'min bago ituloy ang pagsasalita.

"Nasa silid gamutan na po si Adiram."

Nagkatinginan naman kami ni Alina at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Elara. Nakatayo sa gilid ng higaan si Adiram at nakatitig lamang kay Elara ng walang emosyon.

"Adiram" tawag ko sa kaniya.

"Ano na ang lagay ng mortal?" Tanong nito.

"Ayos na ang lagay niya. Anomang oras ay maaari na siyang gumising pero kailangan pa rin ng katawan niya ng pahinga." Sagot ng kapatid ko.

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon