Kabanata 13

15 1 0
                                    

ELARA

Mula pagkagising ko kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita ang Supremo. Gusto ko pa naman sana ibigay sa kaniya 'tong bracelet na binili ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Corbin at naglilinis bilang kabayaran sa utang ko. Malapit na rin maman akong matapos. Hahanapin ko si Supremo para maiabot na 'to sa kaniya.

"Mortal, tapos ka na ba? Gusto ko na magpahinga" Tanong ni Corbin pagkapasok sa pinto.

"Hoy! Nasaan ba ang Supremo? Aga mo magpahinga ha? Tanghali palang kaya!" Sabi ko habang nakapamaywang. Dumiretso naman siya sa kaniyang higaan at nilagay ang pareho niyang kamay sa likod ng kaniyang ulo bilang unan.

"Wala ang Supremo. Hanggang bukas pa iyon wala rito kaya ikaw pwede ka rin magpahinga at ako nalang ang sundin mo." Sabi nito habang nakapikit.

"Kapal ng mukha mo! Bayad na utang ko kakasunod sa'yo! Pero nasaan ba siya?" Tanong ko.

"Nasa malayong lugar. Walang makakapunta doon maliban sa kaniya."

"Ha? Saang lugar iyon? Sabihin mo na kasi sa'kin! Para namang others 'to!" Nagcross arms ako at umirap sa hangin.

"Ngayon ang araw ng kamatayan ng pamilya ng Supremo. Tuwing sasapit ang araw na ito ay dalawang araw siya na hindi umuuwi sa kaharian. O, ayos na ba, ha?" Sabi niya. Natahimik naman ako doon. Malungkot siguro siya ngayon. Kailangan niya ng karamay kaya lalong dapat puntahan ko siya doon.

"Saang lugar nakalibing ang pamilya niya? P-puntahan ko siya." Napabangon si Corbin sa sinabi ko.

"May sira ba talaga ang ulo mo, mortal? Narinig mo ba ang sinabi ko na walang nakakapunta sa lugar na iyon kung hindi siya lang. Kaya nga doon sa lugar na iyon niya inilibing ang kaniyang pamilya para walang aabala sa pagluluksa niya."

"Kailangan niya ng karamay, Corbin. Sabihin no nalang kung nasaan siya at ako na ang bahala!" Nakakabwisit talaga 'tong lalaki na 'to!

"Hindi pwede baka mapahamak ka pa doon. Wala kang kapangyarihan gaya namin. Kung kami ngang mga tagarito hindi makapunta doon kahit gusto naming dalawin ang dating panginoon." Sabi niya at naupo sa gilid ng kaniyang kama.

"Ako na ang bahala! Mag-iingat ako! Tyaka isa pa tingnan mo 'to!" Ipinakita ko sa kaniya ang aking kwintas at tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtataka kung ano iyon.

"Bigay sa'kin 'to ni Adiram bilang proteksyon at if ever man na malagay ako sa kapahamakan tawagin ko lang ang pangalan niya sa isip ko darating siya. Kaya, hello! Ano pang dapat mong ipag-alala? Gusto mo siguro ako 'no?" Pambibwisit ko sa kaniya at nagkunwari naman siyang naduduwal.

"Ayokong magalit sa'kin ang Supremo kaya ayaw kong sabihin sa'yo! Hindi dahil gusto kita 'no, kadiri ka mortal! Ew!" Sabi nito. Hinampas ko naman siya sa kaniyang balikat.

"Sabihin mo na! Hindi ko sasabihin na ikaw ang nagsabi sa'kin! Bilis na!" Napailing naman siya.

"Nasa Shelihiya ang Supremo. Isang lugar sa Heyan na may lupang gaya ng sa disyerto. Hindi makakatagal doon ang ordinayong nilalang gaya mo." Sabi niya. Tumabi naman ako sa kaniya at kumapit sa kaniyang braso.

"Corbin, ihatid mo ako doon, please." Nagpacute pa ako sa kaniya upang pumayag siya.

"Bumitaw ka nga sa'kin! Huwag mo kong idamay sa gusto mo!" Sabi niya at pinipilit alisin ang braso niya sa pagkakakapit ko pero pinipigilan ko ito.

"Kahit doon lang mismo sa lugar kung hanggang saan ka pwede at ako na ang bahalang maghanap doon sa Supremo." Pakiusap ko.

"Ayoko! Idadamay mo pa ako pag nagalit siya."

"Hindi nga! Promise! I mean, pangako! Bilang kabayaran ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo. Utusan mo ko,sige. Kahit buong araw pa. Basta ihatid mo lang ako sa lugar na iyon at umalis ka na." Pinagdikit ko ang palad ko para mag-please. Nagbuntong hininga naman siya at tumayo.

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon