ELARA
Napakamalas ko nga naman talaga! Pauwi nalang sana ako sa bahay namin galing school pero may mga lalaking humila sa'kin at ako sa sasakyan.
Guess what, kung nasaan ako ngayon? Nandito sa isang abandonadong building kasama ang mga kababaihang halos kaedaran ko din at may busal ang bunganga kagaya ko at nag-iiyak habang nakatali ang mga kamay.
Sinunsundan yata ako ng kamalasan kahit saan ako magpunta. Bagsak na nga sa exam kanina, nakuha pa ng masasamang loob."O, magsikain na kayo!" Sabi ng lalaking malaki ang katawan. Tinanggal niya ang mga tali sa kamay namin at busal sa bibig sabay tutok ng baril.
"Subukan niyong tumakas sasabog ang mga ulo niyo. Pagbalik ko dapat tapos na kayo magsikain." Umiyak na naman ang mga kasamahan ko. Umalis naman ang lalaki at nilock ang pinto.
"Anong gagawin natin? Hinahanap na ko ng nanay ko." Hagulgol ng isang dalagitang sa tingin ko ay nasa 16 or 18 years old lang.
Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid. Hindi rin kasi ako puwedeng magtagal dito baka hinanap na ako ng lola ko. Napakatataas ng bintana tanging sinag lang ng buwan ang nakakapasok at dalawang pintuan lamang ang meron dito. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pintong nilabasan kanina ng lalaki.
"Teka! Anong ginagawa mo? Baka mahuli ka pati kami madamay pa!" Hiyaw ng isa sa mga kasamahan ko. Sinenyasan ko naman siyang tumahimik. Bwisit na 'to, naghahanap na nga ng paraan para makalabas kami dito galit pa. Sinubukan kong ikutin ang doorknob nito kahit alam ko naman na nakalock talaga. Bakit ba? Gusto ko lang. Tiningnan ko sila at nakatingin silang lahat sa'kin na halatang walang tiwala na magtatagumpay ako sa balak ko.
Kinuha ko ang clip sa buhok ko at nang eksaktong ipapasok ko 'to sa susian ng doorknob ay bumukas ito at napatingin nalang ako sa lalaking may dalang baril. I gave him an awkward smile. Patay kami nito.
"Anong ginagawa mo ha!—aray!" Kinagat ko ang kamay niyang may hawak na baril. Sigawan naman ang mga kasamahan ko.
"Tulungan nyo ko!" Sigaw ko. Tumayo naman sila at pinaghahampas ito gamit ang bag at gamit na meron sila. Tinadyakan ko naman ito sa hita na naging dahilan para matumba siya.
Nagsitakbuhan na sila at ganoon din ang ginawa ko. Pero sa kamalas-malasan nga naman, may isa pang bantay sa labas.
"Tigil!!!" Sigaw nito at nagpaputok ng baril paitaas. Ang iba ay tumigil ang iba naman ay tumakbo at isa na ako doon. Kanya-kanyang takbo na kami.
Pinili kong sa likod nito dumaan. Umakyat ako sa pader nito. Sanay na sanay naman akong umakyat sa pader dahil gawain ko ito simula nang highschool hanggang ngayong college tuwing tumatakas ako sa school dahil binu-bully lang naman ako ng mga kaklase ko.
Pagbaba ko ng pader ay madilim na lugar ang tumambad sa'kin at maraming mga puno. Saang lugar ba kami dinala ng mga walang hiyang 'yon? Dahan-dahan akong lumakad dahil buwan lamg naman ang nagsisilbing liwanag ko. Wala naman kasi sa'kin ang bag ko naiwan na doon sa loob. Paano ba ako uuwi nito? Napailing nalang ako habang naglalakad. Pataas ang lugar na 'to. Ang hirap maglakad nakakapagod. Halos 15 minutes na rin akong naglalakad hindi ko pa matanaw ang kalsada. Nakakaramdam na rin ako ng gutom at uhaw.
"Napakamalas mo naman kasi Elara Luna!" Sabi ko at napakamot sa ulo ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. Kumulog naman ng malakas at kumidlat. Sobrang nagulat naman ako at napaatras. Mukhang uulan pa yata at nagagalit na naman ang kalangitan. May natatanaw naman ako sa hindi kalayuan na parang balon. Balon nga ba iyon? May balon pala sa ganito kaliblib na lugar. Tumakbo ako papunta doon dahil uhaw na uhaw na rin naman ako. Saktong sakto ito at nakatapat halos sa sinag ng buwan.
Swerte parin pala ako kahit papaano. Akalain mo nga naman? Sa gitna ng pagod at uhaw may matatagpuan akong balon na puwede kong inuman. Nang makalapit ako doon ay tumindi lalo ang kulog at kidlat. Napasigaw pa nga ako mabuti nalang at ako lang ang nandito.Hindi naman masyadong mataas ang balon na ito hanggang balakang ko lang. Sinilip ko ang loob nito at napakalinis ng tubig kitang kita ko rin ang reflection ng buwan, maging ang kidlat. Pero teka, bakit hindi ko makita ang sarili kong repleksyon? Kinusot ko naman ang mata ko at muling tumingin sa loob ng balon. Kumidlat muli ng napakalakas at lumindol. Napahawak naman ako sa gilid ng balon. Talaga naman Elara! Malas ka talagang babae ka. Palakas nang palakas ang kidlat at lindol. Kinakain na ako ng takot. Lalayo na sana ako sa balon ngunit ng biglang kumidlat kaya napaatras ako sa gulat at nahulog ako dito.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!" Sigaw ko ngunit ng mahulog ako sa tubig nito ay wala hindi na ko makasigaw pa at unti-unting nawawala ang liwanag na nakikita ko.
~**~
*Booogsh*
"Aray ko!" Napasigaw ako dahil lumagapak ako sa lupa. Napahawak naman ako sa balakang ko at dahan-dahang tumayo. Napatingin ako sa paligid ko at laking gulat ko nang makita ang dalawang lalaking nakatingin sa'kin. Isang lalaking nakaitim at parang dress ang suot ang isa naman ay nakaputi at mahaba rin ang suot. Pareho silang may hawak na espada. Ang isa ay may apoy na asul at isa naman ay espadang puti. Tingin ko ay naglalaban sila dahil ang espada ng lalaking nakaitim ay nakatutok sa leeg ng lalaking nakaputi at mukhang napahinto lang dahil sa'kin.
"Ahm, hehe, chill lang kayo ha? A-anong lugar ba 'to? At b-bakit ganyan ang mga suot niyo?" Tiningnan ko ang lalaking nakaitim ng damit. Ang talim ng tingin niya, nakakatakot, ang cold ng dating niya pero napakakisig ng kanyang mukha. Tiningnan ko naman ang lalaking nakaputi. Napakaamo ng mukha niya at napakakisig din. Pareho silang may mahabang buhok na lagpas hanggang puwet. Napailing ako at napapapikit. Malamang ay panaginip lang lahat ng ito.
"Elara, nanaginip ka naman" sabi ko sabay halakhak. Tinampal ko ang mukha ko at nakaramdam ako ng sakit kaya napadilat ako. So, it means...hindi ito panaginip???
"Sino ka!? Alam mo ba na nakakaabala ka!" Sabi ng lalaking nakaitim at may lumabas na apoy sa kamay niya. Nanlaki naman ang mata ko at napasigaw.
"Kyaaaah!! Sino ba kayo? Nasaan ba ako?" Inilagay ko ang mga kamay ko sa'king mukha. Tumakbo naman papunta sa'kin ang lalaking nakaputi at yumakap pagkatapos noon ay naramdaman kong parang wala na kami sa lugar na kinatatayuan ko kanina.
"Ligtas ka na" nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin ay inalis ko ang aking mga kamay sa mukha ko at nakita kong iba na ang paligid. Puro puti ito kasing puti ng snow at napakaganda. Paano kami nakapunta agad dito? Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko at binigyan niya ako ng isang malamlam na ngiti.
"Kaya mong mag teleport?"
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Фэнтези𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...