ADIRAM
"Nanghihina si Adiram, ama! Anong gagawin natin? Matatalo tayo sa digmaang ito. Bakit hindi na lamang tayo umatras at hintayin ang paggaling ng kapatid ko?" Tanong ng nakababatang kapatid kong si Adham. Kahit hinang hina akong nakaratay sa'king silid ay dinig na dinig ko ang usapan nila.
"Hindi na tayo makakaatras pa sa laban. Wala tayong magagawa kung hindi ang ituloy 'to lumaban man ang kapatid mo o hindi." Sabi ng aking ama.
"Panginoon! Ang mahal na reyna! May nangyari sa kaniya!" Sigaw ni Corbin na kanang kamay ng aking ama. Kahit hirap akong bumangon ay sinundan ko sila sa labas. Nakita kong nakaratay ang aking ina sa labas ng palasyo at duguan.
"Ina!!!" Sigaw ni Adham. Sabay kaming tumakbo patungo sa aming ina.
"Ito ang may kasalanan sa nangyari sa mahal na reyna!" Sigaw ng kawal na may hawak na lalaki.
"H-hindi ko alam, hindi ko alam na may dalang kapahamakan ang sulat na dala ko. M-maniwala kayo! Dinala ko ang sulat na iyan upang pag-ayusin ang Heyan at Iluminiz! Upang hindi na matuloy ang digmaan! Maniwala kayo!" Paliwanag nito. Galit na galit ang aking ama at nakita kong sinaktan niya ito.
"Hindi ba't ikaw ang mortal na kaibigan ni Zohar! Ang hari ng Iluminiz! Sinadya niyo ang lahat ng ito!" Gamit ang kapangyarihan ni ama ay iniangat niya ito sa hangin.
"Maniwala ka Caliban! Hindi ko alam! Ang buong akala ko ay sulat lamang iyon upang magkaayos kayo! Hindi ko alam na sasabog ito!"
"Sinungaling! Ngayon matitikman ng hari ng Iluminiz ang pait ng ginawa niya sa'kin!" Ibinaba ng aking ama ang lalaking mortal at pinalibutan ng ito ng itim na kapangyarihan at bumulong siya ng orasyon. Pagkatapos noon ay naging itim ang mga mata nito.
"Pumunta ka sa Iluminiz at patayin mo ang anak ng matalik mong kaibigan pagkatapos ay isunod mo siya."
"Masusunod!" Pagkasabi nito ay umalis sa kaharian ang lalaking mortal. Nagkatinginan lamang kami ni Adham na parehong umiiyak.
Pagsapit ng gabi ay tumunog na ang trumpeta hudyat na magsisimula na ang digmaan sa dalawang panig. Nakahanda na ang lahat sa labas maliban sa'kin. Lumapit sa'kin ang aking aman noong magtaka akong lumabas sa'king silid
"Adiram, hindi ka lalaban ngayon. Kung maipatalo ko man ang digmaang ito—"
"Hindi, ama! Lalaban ako!"
"Hindi napatay ng mortal ang sanggol na nakatakdang tumapos sa buhay mo. Ako ang tatapos sa buhay ng sanggol na ito at kung hindi man ako magtagumpay ay mangako ka..." Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha.
"Mangako ka na ipaghihiganti mo ang pagkawala ng lahat ng nawalan ng buhay sa digmaang ito. Mangako kang mabubuhay ka ng mahabang panahon at pamumunuan mo ang Heyan at Iluminiz. Mangako kang mapapatay mo ang anak na lalaki ni Zohar!" Nagmamadaling sabi ng aking ama habang umiiyak.
"Lalaban ako para sa inyo, ama! Ayokong walang gawain ngayon!"
"Mapapatay ka nila dahil mahina ka! Gusto mo bang sila ang mamuno sa kaharian natin!? Makinig ka Adiram! Tuparin mo ang lahat ng sinabi ko kung sakali man na hindi na kami makabalik ng buhay ng kapatid mo!" Pagkasabi niya noon ay tumango ako kahit labag sa'king loob. Niyakap ako ng aking ama at pagkatapos ay itinaas niya ang kaniyang kamay at nagkaroon ng asul na liwanag sa paligid ng aking silid.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasía𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...