Hinihintay ko si Adiram na muling bumalik gaya ng pinangako niya kahapon. Naiilang din kasi ako tuwing nagkakasalubong kami ni Prinsipe Ravi at Alina. Nandito ako ngayon sa hardin ng medicamentum. Iyon ang naririnig kong tawag nila sa lugar na 'to. Buti pa rito ang daming bulaklak pero sa Heyan wala.
"Elara" napapikit ako dahil kilala ko ang boses na tumawag sa'kin. Hayst! Hindi talaga ko makakaiwas kaya hinarap ko na siya.
"Prinsipe Ravi" nag-bow naman ako sa kaniya.
"Maaari ba tayong mag-usap?" Tanong niya.
"T-tungkol saan?" Nag-aalangang sagot ko.
"Galit ka ba sa'kin? Sa amin ni Alina?" Tiningnan ko lang siya. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya?
"Sa bagay, bakit ko ba tinatanong ang halata naman?" Tumawa siya ng mapait.
"H-hindi naman ako galit sa inyo. Pero masama ang loob ko. Lalo sa'yo Prinsipe Ravi." Napayuko siya sa sinabi ko.
"Patawad"
"Bakit mo ko nagawang saktan? Itinanggi mo ako imbis na protektahan? Alam mo naman na noong panahon na 'yon kailangan ko ang tulong mo."
"Ang totoo niyan ay ginawa ko lamang iyon upang protektahan ka. Pag nalaman ng aking ama na nakipagkaibigan ako sa'yo lalo pa't nakita ng mga kawal na kasama ka ni Adiram, ipapadakip ka niya at ipapapatay."
"Wala naman akong ginagawang masama" sabi ko.
"Kahit na. Noon pa man ay hindi na kami pwedeng magkaroon ng koneksyon sa mga mamayan na mula sa Heyan. Nang makita ng kawal ang itsura mo ay iginuhit niya ito at ipinakita sa amang hari."
"Kaya ba iniwasan din ako ni Alina noong makita ko siya?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Gusto naming protektahan ka. Magagawa lang namin iyon kung malayo kami sa'yo." So, dapat na ba akong makonsenya?
"Ang alam lang nila ay taga-Heyan ka. Hindi pa nila alam na mortal ka kaya't dapat mas lalo kang mag-ingat. Mainit ang dugo ng mga taga-Iluminiz lalo na si ama sa mortal."
"Bakit? May napadpad na ba ditong—"
"Mortal, ayos ka na pala?" Nagulat naman ako ng biglang nasa likod ko na si Adiram.
"Ano ka ba naman? Bigla-bigla kang sumusulpot! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!" Napahawak naman ako sa dibdib ko.
"Hindi ba ay dapat nakahiga ka at namamahinga?" Sabi niya at tiningnan niya naman ng masama si prinsipe Ravi. Halatang sa mga tinginan nilang matatalim ay mukhang may mamumuo na namang gulo.
"Tingin ko naman ay ayos na ako. Pwede na tayong bumalik sa Heyan." Sabi ko.
"Aalis ka na ba talaga?" Maamong tanong ni Prinsipe Ravi.
"Ikaw na rin ang nagsabi na mainit ang dugo nila sa mga taga-Heyan. Hindi ba nga't akala nila ay kampon ako ng mokong na 'to?" Sabi ko sabay turo kay Adiram na nakatingin sa'kin ng masama.
"Anong sabi mo, mortal?"
"Ahm, hehe, w-wala po, Supremo, peace tayo" sabi ko at nag peace sign.
"Mabuti pa ay tayo na!" pag-aya niya sa'kin.
"Sige na, Prinsipe Ravi. Paalam na muna. Pasabi nalang din kay Alina na maraming salamat." Bakas sa mukha ni Prinsipe Ravi ang lungkot. Bakit kaya?
"Ayos ka lang ba Prinsipe Ravi?" Tanong ko.
"Mortal, ano ba? Maiiwan ka ba diyan? Hinihintay ka ng mag-amang pinagtanggol mo!" Ay, oo nga pala! Walang hiya talaga 'tong si Adiram. Hinintay pa ako makabalik bago palayain ang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasy𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...