Kabanata 3

10 2 0
                                    

RAVI

"Maraming salamat ulit sa mga bulalak, mahal na prinsipe!" Inilagay niya ito sa vase na nasa maliit na lamesa.

"Kamusta ka naman dito?" Tanong ko at naupo sa parte kung saan tanaw ko ang mga ulap at ang liwanag.

"Ayos lang ako, nakakatulong din ako kay Alina sa panggagamot pag may pumupunta rito. Hindi naman sila nagtataka dahil sinasabi ni Alina na kaibigan niya ako." Nakangiting tugon niya.

"Teka, ahm, nahanap mo na ba kung paano ako makakabalik sa mundo namin? Tyaka alam ba ng ama mong hari na may mortal na nakapasok sa mundong ito?"

"Hindi pa" nahihiyang sagot ko.

"Anong hindi pa? Dalawa kaya ang tanong ko" sabi niya at ngumuso na parang sanggol. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Magdadalawang linggo palang siya rito pero sobra akong naaaliw sa kaniya. Minsan para siyang bata mag-isip pero hindi nakakainis.

"Parehong hindi pa. Hindi ko pa alam kung saan ang lagusan palabas ng mundo namin. Hindi ko pa rin nasasabi kay amang Hari dahil natatakot akong baka ikulong ka niya kasama ng mga salarin." Paliwanag ko.

"Ha? Bakit naman!? Aba! wala naman akong kasalanan na ginagawa. Ni hindi ko nga gustong mapapad dito sa mundo niyo! Kung dadalhin ako ng hari sa kulungan na 'yon, ibig sabihin ay hindi siya patas humatol. Hmf! Hari pa naman—" napatakip siya sa bibig niya at napatingin sa'kin na para bang napagtanto niya na mali ang kanyang mga sinabi.

"Sorry! I mean, patawad! Mukhang ang OA ko naman sa lagay na 'yon. Tsk, itong bunganga ko talaga!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"OA? Ano ang ibig sabihin no'n?"

"OA, Over acting." Napakunot lalo ang noo ko at napakamot ako sa ulo. Hindi ko maintindihan ang lenggwaheng ginagamit niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Hayst! Wala iyon! Basta ha? 'wag mo naman akong susumbong sa ama mo baka lalong hindi ako makalabas sa mundong ito." Pakiusap niya at pinagdikit ang kanyang mga palad na parang mananalangin. Natawa naman ako ng mahina at tumango sa kaniya.

"Bakit ka ba naman kasi napadpad dito?" nagtatakang tanong ko.

"Nakailang paliwanag na ko sa inyo ni Alina niyan nang nakaraan pa 'di ba?"

"Oo, pero ang hindi ko kasi maunawaan ay bakit ka kinuha ng mga masasamang lalaki na sinasabi mo? Mukha namang mabuti kang tao"

"Ay! Naku naman, prinsipe Ravi!" Umarte siya na kala mo ay masakit ang ulo.

"Sa mundo namin hindi naman pinipili ng mga nangki-kidnap kung mabuti o masama ka. Mabuti nalang nga at nakatakas ako doon. Kung hindi ay baka naibenta na ko sa mga bar o club o kaya naman ay baka wala na kong lamang loob."

Nanlaki naman ang mata ko kahit hindi ko maintindihan ang iba niyang salita. May masasama rin pala sa mundong kinabibilangan niya.

"May masasama rin pala doon kagaya rito."

"Aba! Oo naman, ang pinagkaiba lang wala kaming kapangyarihan gaya niyo. Kung meron lang ako niyan siguro hindi na ako aapihin ng mga tao sa paligid ko."

"Inaapi ka sa mundo niyo?" tanong ko.

"Oo" nakita kong naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Alam mo ba, simula pagkabata lagi nalang ako inaapi ng mga tao sa paligid ko. Maging sarili ko ngang lola ayaw sa'kin. Napilitan lang yata alagaan ako dahil sa kanya ako iniwan ng mga magulang ko. Sabi niya kaya raw ako sa kaniya iniwan ng magulang ko kasi raw malas ako." Nakita ko ang pagpatak ng luha niya na agad niya ring pinunasan at ngumiti siya.

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon