"Gising!" Tapik sa'kin ng lalaking kanang kamay ni Adiram.
"Sumunod ka sa'kin dahil pinatatawag ka ng Supremo." Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya. Habang naglalakad kami ay tinitingnan ko ang paligid. Mukhang mahirap tumakas sa lugar na 'to ang daming pasikot-sikot at nakakatakot din ang mga suot ng tauhan dito. Parang mamamatay ka agad pag hinawakan mo sila.
Nang makarating kami sa trono ni Adiram ay lumuhod ito at yumuko. Tiningnan niya ako na para bang sinasabi na gayahin ko siya. Inirapan ko lang siya at tumingin kay Adiram na nakaupo sa trono niya at masama ang tingin sa'kin.
"Hoy! Pwede ba pakawalan mo na 'ko!? Napakababaw mo naman! Mortal lang pinagtutuunan mo pa ng pansin?" Tinaas niya ang kamay niya at nagulat ako ng bigla akong lumutang sa hangin at parang may nakasakal sa'kin.
"Hindi ka talaga marunong rumespeto!" Hindi ako makasagot sa kaniya dahil para akong malalagutan ng hininga sa higpit ng pagkakasakal sa'kin. Nang ibaba niya ang kaniyang kamay ay bumagsak naman ako sa sahig at naubo.
"Napakasama mo talaga! Hintayin mo lang na iligtas ako ng Prinsipe Ravi!" Nakahawak pa rin ako sa leeg ko dahil sa sakit. Nakita kong mula sa trono niya at lumipad siya papunta sa'kin.
"Hindi ka ililigtas ng Prinsipeng sinasabi mo dahil alam niyang ikamamatay niya 'yon. Para sa kaalaman mo, mortal, ako lang naman ang pinakamalakas sa lahat ng panginoon sa mundong 'to!" Pagkasabi niya no'n ay hinatak niya ako patayo at hinawakan sa baywang.
Tiningnan ko mabuti ang mga mata niya. Nakakatakot ito at puno ng galit. Nakasalubong din ang kaniyang mga kilay. Gwapo sana 'to masama lang ugali.
"Alam mo? Ang gwapo mo sana kaso masama ka" pagkasabi ko noon ay lumamlam ang mata niya at hindi na nagsalubong ang kilay.
"A-anong pinagsasabi mo, mortal? Hindi mo ko mauuto! Sumama ka sa'kin!" Hinawakan niya ako sa kamay ay kinaladkad. Saan na naman ba ako dadalhin nito.
Ginamit na naman niya ang mahika niya para maglaho. Sa isang iglap ay nakarating kami sa lugar kung saan ko sila nakikitang naglalaban ni Prinsipe Ravi.
"Naaalala mo naman siguro ang lugar na 'to 'di ba?" Tanong niya at tiningnan ako.
"Oo, dito ako bumagsak mula sa balon. Baka dito rin ang daan kung paano ako makakabalik sa mundo namin." Tatakbo na sana ko pero bigla niya akong nahawakan sa braso para pigilan.
"Sa tingin mo ba hindi kita mahahanap pag umalis ka?" Ngumisi naman siya.
"Tsk, pakawalan mo na kasi ako! Ano bang kailangan mo sa'kin?"
"Kung di ka sana dumating dito napatay ko na si Ravi. Sigurado na sana ang pagkapanalo ng Heyan. Kaya malaki ang kasalanan mo sa'kin at sa nasasakupan ko!"
"Aksidente lang naman kasi na nandito ako!" Nagpapadyak ako at nag iyak-iyakan para bitawan niya. Effective naman dahil bumitaw siya.
"Huwag kang umiyak diyan." Hindi ko siya pinakinggan at nilakasan ko pa.
"Waaaaaahh! Waaaahh! Ayoko na rito! Waaaaah!"
"Tahimik!" Umiling lang ako at nagpatuloy sa pag-arte.
"Pag hindi ka tumigil diyan at ipapakain kita sa mga halimaw na nandito." napakapit naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Oo na! Pero gusto ko na umuwi!" Nakasimangot kong sabi at napailing naman siya.
"Hindi ko akalain na may nilalang na kasing kulit mo!"
"Alam mo? Ibalik mo nalang ako kay Prinsipe Ravi! Pareho pa tayong magbe-benefit. Matatahimik ang buhay mo at ako naman makakasama ko ang prinsipe. O 'di ba? Win win tayo." Nakangiti kong suggestion.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasía𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...