Ilang araw na akong pinahihirapan ni Adiram kakautos sa'kin. Gustong-gusto ko na magreklamo pero baka naman mapahamak lang ako. Nandito ako ngayon sa labas ng Heyan. Nakapuslit ako sa mga bantay kanina. Hindi ko akalain na minsan tatanga-tanga rin pala ang mga kawal niya. Ang kailangan kong gawin ngayon ay makapunta sa tirahan ni Alina. Baka sakaling siya tulungan niya ako.
Lakad-lakad lang ako palayo sa Heyan. Hindi ko nga lang alam kung paano nga ba ako makakarating sa pupuntahan ko. Puro magic-magic kasi gamit nila para marating 'yon ng mabilis. Nang makalayo na ako ay isang malaking karagatan ang narating ko. Malas talaga! Mukhang karagatan pala ang pagitan bago makarating sa Iluminiz. Hindi naman ako marunong mag bangka. Hanggang dito talaga sinusundan ako ng kamalasan. Pero hindi bale, kakayanin ko 'to para sa sarili ko. Sumakay ako sa bangka na nakaparada dito. Pilit akong sumagwan kahit nabibigatan ako sa sagwan nito.
Makalipas lang ang isang oras at kalahati ay nakarating din ako. Nakatapak din ako sa lupa nilang nababalot ng mga snow. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Nakita kong pinagtitinginan ako ng ibang nakakasalubong ko. Nakita ko rin na parang iniiwasan nila ako at natatakot. May ano ba? Tinago ko tuloy ang aking mukha. Parang jina-judge kasi nila ako. Napatitil ako sa paglalakad ng may mabangga ako.
"Naku, pasensya na!" Pinulot ko naman ang mga dahon-dahon na nalaglag mula sa basket niya.
"Ayos lang—"
"Alina!?" Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobrang tuwa.
"Alina, mabuti nakita kita! Ikaw talaga ang sadya ko! Nakatakas ako mula kay Adiram. Hindi ko akalain na dito tayo magkikita" Nakita kong nag aalangan siya ng ngiti at kinabig ako palayo sa kaniya.
"Alina, halika na—teka siya ba ang sinasabi ng mahal na hari noong nagkaroon ang Iluminiz ng pulong?" tanong ng babae maganda rin at mala-dyosa. Tingin ko ay kaibigan siya ni Alina dahil may dala rin itong basket na puno ng mga dahon at halamang gamot. Nakita kong tumango sa kaniya si Alina.
"Magkakilala kayo???"
"H-hindi. Nakilala ko lamang siya dahil sa sinabi ni Ama. Isa nga raw siyang kampon ni Adiram."
"Ha? Alina, anong sinasabi mo??? Hindi ba nga kayo pa ni Prinsipe Ravi ang tumulong sa'kin?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo mortal! Umalis ka na rito dahil mainit ang mga mata nila sa'yo. Papatayin ka nila gaya ng utos ng aking ama." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila niya ang kaniyang kaibigan palayo.
Para na naman akong tinutusok sa dibdib. Tinanggi rin ni Alina na kilala niya ako. Dapat ay sanay na ako dahil kahit sa mundo naming mga mortal ay wala rin gustong makipagkaibigan sa'kin. Lumayo na ako sa lugar na matao at naglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito. Gustuhin ko man bumalik sa Heyan ay tiyak na papatayin ako ni Adiram dahil tiyak alam na niya na tumakas ako.
Nang mapagod ako kakalakad ay umupo nalang ako sa lilim ng malaking puno. Pati puno rito kakaiba. Malalaki ang ugat at matatayog. Sumandal ako rito at muling nagbalik sa alaala ko ang mga masasakit na pangyayaring mula sa mundo namin.
"Wala ka talagang silbing bata ka! Kaya ka iniwan ng magulang mo sa'kin eh!"
"Hoy! Elara! Tumabi ka nga dyan! Weirdo!"
"Ay kawawa! Walang kaibigan! You're so weak kasi!"
"Diyan ka sa basurahan! Diyan ka nababagay!"
"Miss Luna! Bagsak ka na naman sa exam! Bakit hindi ka kasi mag-aral ng mabuti!? Gusto mo bang umulit na naman ng isang taon? Tatanga-tanga ka na naman!"
Tumulo ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan. Pero agad ko rin itong pinunasan. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi na ko iiyak pa ulit. Hindi talaga ko dapat magtiwala kahit na kanino. Kahit nga si Prinsipe Ravi at Alina ay kinahihiya rin ako. Balak pa ko ipapatay ng mahal na hari nila dahil akala padala ako ng asungot na Adiram. Kahit nga pala si Adiram sinabi rin sa'kin na wala akong silbi. Tama naman siya. Iyon naman ang tingin sa'kin ng lahat.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasy𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...