Kabanata 11

17 1 0
                                    

Unti-unti kong idinilat ang mata ko dahil umaga na pala. Nilingon ko ang higaan ni Adiram at wala na siya doon. Napansin ko na may itim na mahabang damit na nakatakip sa katawan ko. Teka, damit ni Adiram 'to ah? Kagabi pa ba nakabalot sa'kin 'to? Bumangon na ako at lumabas sa tent dala ang damit niyang mahaba na parang jacket. Nasaan na ba 'yon?

"Magandang umaga, ate Elara!" Napatalon naman ako sa gulat dahil kay Lakas.

"Ginulat mo naman ako, Lakas! Kaloka ka!" Tawang-tawa naman siya sa'kin.

"Ano po ang kaloka?" Tanong niya at this time ako naman ang natawa.

"Wala! Nasaan nga pala ang Supremo?" Tanong ko.

"Nakita ko po siya kaninang naglalakad-lakad sa banda doon" sagot niya. Sinundan ko naman ang itinuturo ng kamay niya.

Hmmn, nasaan na kaya 'yon? Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya. Medyo nalalayo na ako sa lugar na pinanggalingan ko. Balik nalang siguro ako, marunong naman bumalik 'yong mokong na 'yon eh. Ko

"Elara" tiningnan ko kung sino ang tumawag sa'kin.

"Prinsipe Ravi?" Nakatayo siya at naka-crossarms. Diretso lang din ang tingin niya sa'kin at walang emosyon. Nakakapanibago yata siyang tingin ngayon.

"Prinsipe Ravi, anong ginagawa mo rito? Baka mahuli ka ni Adiram niyan patay tayo pareho!" Sabi ko at napakamot sa'king ulo.

"Magkita tayo mamaya sa karagatan na humahati sa Iluminiz at Heyan." Sabi niya.

"B-bakit? Tyaka isa pa, hindi ako papayagan ni Adiram."

"Hihintayin kita doon, hindi ako babalik sa Iluminiz hanggat hindi ka dumarating."

"Pero—" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay naglaho na siya. Napaisip naman ako kung bakit kaya gusto niya ko katagpuin mamaya? Ipapapatay niya ba ako? Umiling-iling ako dahil sa naisip ko. Hindi ganoon ang pagkakilala ko sa prinsipe. Siguro dapat ipagpaalam ko ito kay Adiram.

Nang makabalik na ako sa tribo nila Lakas ay nakita ko si Adiram na kinakausap ng mag-ama na muntik niya ng ipapatay.

"Mag-iingat kayo, Supremo. Maraming salamat ulit sa pagapapalaya niyo sa'min." Sabi ng ama ni Lakas.

"Supremo! Supremo! Balik kayo ni ate Elara, ha? Gusto ko pa po siya makalaro at makasamang kumain". Bibong sabi ni Lakas. Lumapit naman ako sa kanila at inabot ko kay Adiram ang damit niya. Naka-sleeveless tuloy siya ngayon.

"Supremo, maraming salamat diyan sa damit mo". Pagkasabi ko no'n ay ngitian ko siya pero ang cold na naman ng mga mata niya. Okay naman kami kagabi, ha?

"Ate Elara, may paghanga po kayo sa Supremo?" Nagulat naman ako sa tanong ako ni Lakas. Pakiramdam ko tuloy ay umiinit ang mukha ko kaya yumuko ako.

"Ayiiieee, namumula si ate Elara, o? Supremo, tignan mo siya, o!" Sabay turo sa'kin.

"Lakas! Tumigil ka ngang bata ka!" Pagsaway naman sa kaniya ng kaniyang ama.

"M-mauuna na po kami, oo, alis na kami." Sabi ko at ngumiti ng alangan.

"Maraming salamat muli sa'yo Elara at Supremo" sabi ng ama ni Lakas. Tumango nalang ako at kumaway kay Lakas bilang paalam.

Nang makalayo na kami ay nag-aalangan ako kung dapat ko bang sabihin kay Adiram na nagkita kami kanina ni prinsipe Ravi at gusto nitong makipagkita sa'kin mamaya. Ilang beses ko siyang sinubukan na kalabitin pero hindi ko maituloy dahil baka mamaya ay magpatayan lang sila kung sakali man na sundan niya ako pag nagkita kami. Masyado pa namang mainitin ang ulo ng isang 'to.

"Mortal, kanina ka pa yata hindi mapakali. May dapat ka bang sabihin?" Napahinto kaming tatlo sa paglalakad.

"A-ano kasi, ahm—"

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon