Kabanata 12

17 0 0
                                    

ADIRAM

Inabangan kong makabalik ang mortal mula sa pagkikita nila ni Ravi kagabi ngunit pagbalik nito ay dumiretso siya sa kaniyang silid at pagsilip ko ay tulog na. Ngayong umaga naman ay ipinahanda ko ang pagkain niya upang pagkatapos noon ay maikwento niya ang nangyari sa pag-uusap nila kagabi. Pinlano ko talaga na pagtagpuin sila. Hindi ko naman akalain na ganoon kadaling utuin ang dalawang iyon. Kailangan na may kumuha ng atensyon ni Ravi upang matalo ko siya. Upang hindi matuloy ang sinasabi sa propesiya na ang anak na lalaki ng hari ng Iluminiz ang siyang makakapatay sa anak na lalaki ng panginoon ng Heyan na gumagamit ng ignis mortis. Ang mortal na iyan ang gagamitin ko upang matalo siya. Pag tuluyan ng nahulog ang loob niya rito ay ilalayo ko ito sa kaniya at gagawing panakot upang ibigay anuman ang gustuhin ko. Maaaring mautak ang hari ng Iluminiz pero hindi ang prinsipe nito.

Pagpunta ko sa silid ng mortal ay tulog pa ito. Ipinalapag ko na lamang sa gilid ang pagkain na inihanda para sa kaniya.

"Mortal, gumising ka na" gumalaw lamang siya at pumihit sa kabila.

"Mortal! May dapat ka pang i-kwento sa'kin. Gumising ka na dyan."

"Supremo naman! Ang aga pa kaya!" Nag-inat siya at kinusot ang kaniyang mga mata.

"Bumangon ka at kumain na!"

"Naman kasi eh! 5 minutes pa please"

"Babangon ka o gagamitan kita ng kapangyarihan ko para bumangon?" Pananakot ko sa kaniya at napabalikwas naman siya sa higaan.

"Ito na! Kainis ka!" Inirapan niya ako at tyaka humalukipkip.

"Kumain ka na at isalaysay mo sa'kin ang lahat ng nangyari kahapon." Utos ko. Nilapag ko sa kaniyang higaan ang pagkain at kinuha niya naman ito. Nakatayo lang ako sa gilid at hinihintay siyang matapos.

"Supremo?" Tinawag niya ako habang puno ang kaniyang bibig. Wala talagang tamang asal ang babaeng ito.

"Bakit?"

"May itatanong lang sana ako sa'yo" tinitigan ko lamang siya at hinihintay na ituloy ang kaniyang sasabihin. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Naniniwala ka ba na maaari pang mabago ang naitakda na?" Napakunot-noo naman ako sa tanong niya.

"Bakit mo naman naisip iyan, mortal?" Tanong ko.

"Ahm, nasabi kasi sa'kin ni Prinsipe Ravi na—"

"Na ano? Ano ang sinabi sa'yo ng prinsipeng iyon?"

"S-siya raw pala ang nakatakdang tumalo s-sayo." Pagkasabi niya noon ay umiwas siya ng tingin at sumubo ng pagkain. Hambog talaga ang Ravi na iyon. Inaakala niya ba talagang hahayaan ko na matalo niya ako? Hindi niya alam ay unti-unti na siyang nahuhulog sa patibong ko.

"Masyado naman yatang mataas ang tiwala sa sarili ng prinsiper ng Iluminiz" sabi ko.

"Sabi niya sa'kin hindi na raw nababago ang nakatakda na. Ikaw ba naniniwala ka ba do'n?" Tanong niya at inalis sa higaan ang pagkain dahil tapos na siya.

"Hindi ako naniniwala diyan. Matatalo ko si Ravi sa paraan na gusto ko. Kaya't huwag na siyang umasa na magaganap pa ang nakatakda sa propesiya."

"Propesiya? So, it means, totoo nga? Siya nga ang nakatakdang tumalo sa'yo?" Tanong niya.

"Makulit ka ba, mortal? Sinabi ko na sa'yo hindi niya ako matatalo."

"Maaari pa naman sigurong mabago ang nakatakda na. Huwag kang mag-alala, Supremo..." Tumayo siya at hinawakan ang balikat ko.

"Hindi ko hahayaan na maganap iyon. Papatunayan ko sa prinsipe na tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Ayoko rin naman na magpatayan kayo." Pagpapatuloy niya. Pag nagsalita ang mortal na ito akala mo naman ay mas mataas pa siya kaysa sa'kin. Wala nga siyang kahit na anong kapangyarihan pero pag nagsalita siya para bang makukumbinsi ka na totoo ang mga sinasabi niya. Pero hindi ako kagaya ni Ravi na madaling maniwala sa salita. Iginalaw ko ang balikat ko upang alisin niya ang kaniyang kamay rito.

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon