Kabanata 7

17 2 0
                                    

"Isa pa ano? May nilalang na nakatadhana sa'yo? Na karugtong ng puso mo?"

"Sa palagay ko ay oo." Tumingin ako ng diretso sa kaniya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil nararamdaman ng puso ko ang nararamdaman ng nilalang na 'yon. Pakiramdam ko ay malapit na kami magtapo na malapit lang siya sa akin. Mag iisang buwan ko ng nararamdaman iyon."

"Hindi ba mapuputol ang sumpa na 'yon? Gayong sinabi rin naman ng amang hari na pinagsisishan niyang ipinagkasundo ka agad niya noong sanggol ka pa lamang?"

"Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ay nararapat itong malaman ng amang hari. Pupuntahan ko siya bukas at kakausapin. Bantayan mong mabuti si Elara dahil babalik din si Adiram dito bukas. Tumango naman si Alina sa'kin at muling hinaplos ang nakahimlay na si Elara.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa ang lahat maging ang aking kapatid at ang mga kasamahan niyang babaylan. Masakit pa ang aking katawan ngunit kailangan kong bumalik sa palasyo upang makausap ang aking amang hari. Lumapit muna ako kay Elara at hinawakan ang mga kamay nito.

"Aalis lang muna ako sandali, Elara. Babalik din ako agad." Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko ay mayroon akong malalim na koneksyon sa kaniya kahit noong unang beses pa lamang kami magkita kaya pinili ko na iligtas siya mula kay Adiram. Tama naman si Alina sa sandaling panahon na nakasama namin siya ay humanga agad ako sa kaniya. Hindi lamang siya basta magandang dalaga, mabuti rin ang pusong mayroon siya.

Tumayo na ako at nag evictus upang makarating sa aming palasyo. Pagdating ko doon ay sinalubong agad ako ni Oran. Yumuko siya at nagbigay galang.

"Kamusta ka na po, mahal na prinsipe?" Tanong niya.

"Hindi pa ganoon kabuti ang nararamdaman ko ngunit kailangan ko makausap ang amang hari."

"Naroon po siya sa kaniyang silid". Tumango ako at lumakad papunta sa silid ng aking ama.

Nang marating ko ang silid ng amang hari ay nakita kong nasa balkonahe siya nito. Lumapit ako at nagbigay galang.

"Magandang umaga, mahal na Hari!" Tumango naman ito sa'kin.

"Magaling ka na ba? Bakit naririto ka? Hindi ba't sabi ko sa'yo ay huwag kang lalabas sa medicamentum ng hindi ka magaling dahil baka mamaya ay matyempuhan ka ni Adiram ay mapatay ka niya."

"Paumanhin, ama. Ngunit may nais lamang ako itanong sa iyo. Pagkatapos noon ay babalik din agad ako sa medicamentum." Tiningnan naman ako ng amang hari na tila ba nagtataka.

"May nais lamang ako malaman tungkol sa nilalang na ipinagkasundo mo sa akin noong sanggol pa lamang ako." Iniwas niya ang tingin sa'kin at tumingin na lamang sa magandang araw na nagtatago sa mga ulap.

"Bakit mo naman naisipang itanong 'yan?"

"Gusto ko lamang po malaman kung sino siya o kung nasaan ba siya?"

"Ayaw ko na sana pag-usapan ang bagay na 'yan dahil nga pinagsisihan ko ang desisyon na 'yon. Ngunit karapatan mo rin naman na malaman ang tungkol sa babaeng nakatadhana sa'yo."

"Maaari pa bang mabago ang nakatadhana?" Tanong ko. Umiling ang amang hari. Hindi ko alam kung dapat ba akong madismaya sa sagot niya.

"Nang sanggol ka pa lamang, tatlong araw pagkatapos mo isilang ay isinalang din ang batang babaeng iyon. Noon din ay inutusan ko ang kaniyang ama na kuhanan ng patak ng dugo ang sanggol at ganoon din ang ginawa ko sa'yo." Tiningnan niya ako at nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Pinagsama namin ang inyong mga dugo at nang magkaroon ng eklipsis ay binasbasan ko ito sa ilalim no'n.

Kasabay ng pagsasama ng buwan at araw,

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon