Kabanata 10

11 1 0
                                    

"Wow! Ang daming alitaptap!"

"Ate, halika doon sa'min, nagkakasiyahan na!" Hinila siya ng batang paslit at tumakbo sila papunta sa kasiyahan. Pagdating namin doon ay tila ba lahat sila nagulat sa'king pagdating.

"Mahal na Supremo!" Nagsiyuko silang lahat bilang pagbati sa'kin.

"Oo nga pala, pinakikilala ko sa inyong lahat ang aking tagapagligtas!" Sigaw ng bata at hinawakan ang kamay ng mortal.

"Siya si ate Elara!" Itinaas niya ang kamay ng nito at bakas naman sa mukha ng sayang nararamdaman nito.

"Hello po!" Napatapik na lamang ako sa'king noo. Ayan na naman siya sa mga salita niyang hindi naman maintindihan.

"Siya ba ang papakasalan ng Supremo?" Tanong ng matandang babae. Nagbulong-bulongan ang lahat at natahimik.

"Ah, n-naku, h-hindi po! Hindi po ako tagarito sa mundo niyo. Isa po akong mortal, naligaw lang ako rito, oo. Kaya imposible po 'yang sinasabi niyo. Isa pa, hindi nga yata marunong magmahal ang Supremo niyo" Sabi niya sabay tingin sa'kin. Pinandilatan ko naman siya at doon siya natigil.

"Kain na po tayo! Tara!" Pag-aya ng mortal sa mga ito.

"Supremo, pwede po bang makisalo muna ako sa kanila?" Paalam ni Corbin sa'kin at tinanguan ko naman siya. 

Pinagmamasdan ko lamang silang kumain. Hindi ko hilig ang makisalo sa mga ito. Dalawampu't tatlong taon na rin pala mula noong huli akong nakapunta rito. Buhay pa ang mga magulang ko noon. Ayoko muna maisip ang bagay na 'yon. Gumagawa na rin naman ako ng hakbang upang maipaghiganti sila.

Tiningnan ko ang mortal na masayang nakikisalamuha sa kanila. Nakikita ko kung paano siya tumawa. Parang mabagal ang galaw ng nasa paligid at parang tanging siya lamang ang nakikita ko. Hinila siya ng mga bata at pilit na isinali sa laro. Walang pag-aalinlangan naman siyang nakipaglaro sa mga ito. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang bawat pagtawa niya. Takbo rito, takbo roon ang ginagawa niya. Para siyang bata na ngayon lang nakaranas ng laro. Parang simula nang mapapad siya sa mundong 'to ay ngayon ko palang siya nakitang ganiyan kasaya. Nakita kong nilapitan naman siya ng mga dalaga at inayang sumayaw ng tradisyonal na sayaw ng mga babae sa Heyan. Hirap man siya ay nagawa niyang sundan ang pag indak ng mga ito. Magaling siyang makisama sa lahat. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nahulog ang loob sa kaniya ni Ravi kahit sandali lamang niya itong nakasama.

"Paumanhin na lamang sa'yo, mortal kung gagamitin kita laban sa kaaway ko. Mas mahalaga para sa akin ang manalo ang Heyan sa nalalapit na digmaan at maipaghiganti ang pamilya ko." mahinang sabi ko at umalis muna sa kasiyahan.

Kinse minutos din akong naglibot-libot sa kagubatang ito habang sila ay nagkakasiyahan sa kabilang banda. Gamit ang maliliit nilang kapangyarihan ay gumagawa sila ng pailaw sa langit na mayroong iba't ibang kulay. Nakatingin ako sa bilog na bilog na buwan nang maramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinanap" tanong ng mortal.

"Gusto ko lamang mapag-isa." Sagot ko sa kaniya ng hindi inaalis ang aking tingin sa buwan.

"Sasamahan nalang kita! Malungkot kaya ang mag-isa." Napairap na lamang ako sa hangin. Gustuhin ko mang sungitan siya ay hindi ko iyon maaaring gawain dahil kailangan kong makuha ang loob at tiwala niya.

"Ang gaganda ng fireworks! Galing! Mayroon din pala niyan sa mundo niyo? Ang pinagkaiba nga lang 'yong inyo ay gawa sa mga kapangyarihan niyo 'yong amin kasi gawa lang sa kamay." Sabi niya. Tiningnan ko naman siya habang siya ay nakatingala at nakangiti.

"Wala akong naintindihan sa sinabi mo, mortal."

"Ah, basta! Iyan 'yon!" Turo niya sa iba't ibang ilaw na lumilipad sa itaas. Inirapan ko lamang siya at muling pinagmasdan ang kagandahan ng buwan.

A World In A Well Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon