"Kaya mong mag teleport?" Tanong ko. Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Anong sabi mo? Ano ang teleport?" Mas lalo namang kumunot ang noo ko.
"Sandali, hindi ka taga rito hindi ba?" Tiningnan ko muna ang paligid ko. Nasaan ba kasi ako?
"Oo, tama ka, hindi nga ako taga rito. A-anong lugar 'to? At isa pa, anong klase kayo ng mga tao?"
"Paano ka napunta rito?" Tanong niya. Teka, paano nga ba? Bigla kong naalala na nakidnap ako tapos ay napunta ko sa liblib na kagubatan ang nakakita ako ng balon. Tama! Iyon nga, nahulog ako sa balon at pagkatapos ay biglang nandito na ako.
"Nahulog ako sa balon tapos nagulat nalang ako dito ako bumagsak"
"Balon?" Napahampas na lamang ako sa noo ko. Ang gwapo sana ng kausap ko pero parang tanga. Puro tanong lang ba ang alam niyang ibato sa'kin.
"Teka kuya ha! Makinig ka sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Basta ang alam ko lang nahulog ako sa balon then boom! Ayon na! Napunta na ko rito!"
"Galing ka sa ibang daigdig. Kung ganoon isa ka bang mortal?"
"Aba, malamang! Tao ako, hello! Pero alam mo ba kung paano ako makakabalik sa'min?" Napailing siya.
"Hindi ko alam ang daigdig na sinasabi at pinanggalingan mo. Hindi ko rin alam kung paano ka makakabalik doon. Pero delikado ang isang tulad mo rito."
"Hayst! Ano ba naman yan!" Nagpapadyak ako at nag iyak-iyakan.
"S-sandali, huwag kang umiyak. Tutulungan kita pero sa ngayon kailangan muna nating palitan ang kasuotan mo. Baka mahalata ng mga tagarito na hindi ka mula sa mundong 'to." Itinaas nya ang kanang kamay niya at ipinitik. Wala pang isang segundo ay naiba na ang suot ko. Kulay puti ito at mukha akong prinsesa.
"Wow! Ang galing!" Nagpaikot-ikot habang hawak ang bonggang bongga kong gown. Mukha akong prinsesa slash diwata slash dyosa! Ngiting ngiti ako.
"Anong pangalan mo?" Napahinto ako sa pag-ikot at humarap sa kaniya.
"Ako si Elara, eh ikaw sino ka ba? Tyaka 'yong lalaking salbahe kanina sino 'yon?"
"Ako si Ravi, ang prinsipe ng araw at liwanag." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Prinsipe ka???" Tumango naman siya. Lumuhod naman ako sa kanya as a sign of respect at pinagpatong ang dalawa kong braso gaya ng mga napapanuod ko sa palabas.
"Tumayo ka na" sinunod ko naman siya.
"Grabe! Prinsipe ka pala! No wonder, kaya pala ang gwapo mo! Hindi mo naman sinabi agad." Ngumiti naman siya sa akin. Napakaamo talaga ng mukha niya.
"Ang kanina namang lalaki na sinasabi mo ay si Adiram. Siya ang supremo ng buwan at kadiliman" sabi niya. Napahawak ako sa bibig ko. Kaya pala ganoon siya ang talim tumingin at may apoy. Ano ba 'tong mundo na napasukan ko? Napakamalas ko talaga. Buti nalang swerte ako sa isang 'to at nailigtas ako. Kung hindi, kanina pa ko patay.
"Kailangan mo ko tulungan mahanap ang daan pabalik sa mundo namin. Nakakatakot pala rito sa inyo."
"Kailangan muna kitang itago. Wala kang kapangyarihan katulad namin. Delikado ka sa lugar na 'to. Kaya halika sumama ka sa'kin." Tumango naman ako. Mukha namang mabuting nilalang 'tong isang 'to.
Sa isang pitik lang din ay nakarating kami sa isang lugar na halos puro ulap at may nakalutang lamang na bahay. Maganda ito at punong puno ng mga bulaklak. Nasa harap kami ng pintuan nito at may hinihintay lumabas.
"Alina!" Tawag ni Ravi. Lumabas naman ang napakagandang dalaga. Mahaba ang buhok na kulot at parang dyosa ang itsura.
"Prinsipe Ravi" bati niya. Pinagdikit niya ang kanyang mga braso at yumuko. So, ganun pala ang pagbati sa kanila ha.
BINABASA MO ANG
A World In A Well
Fantasy𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap an...