" How did you find your stay here, Miss Rhianie?"
Humarap siya sa nagsalita na panibago na naman kasamahan ni Al. Hindi niya alam
kung tsini tsek lang siya ng mga ito o ibinilin siya ni Al sa mga kasamahan." It's good! Nag e enjoy kami."
Sinamahan pa niya ang matamis na ngiti ang sinabi. Tumango ito sa kanya at saka ginantihan siya ng ngiti.
" Nag pa reserve si Pareng Al ng cabana para sa dinner ninyo. And the wine will be served. Umiinom ba kayo?"
Tanong pa nito. Hindi pa siya nakaka sagot pero sumingit na si Janice ang kanyang secretary.
"Sasamahan ba ninyo kami?"
Tanong nito na hindi maitago ang paghanga sa kaharap. Napailing na lang siya at pang apat na itong humarap sa kanila pero ganun pa din ang reaksiyon nito.
" Of course, bilin na din ni Pareng Al."
Nakangiti nitong sabi na lumabas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Lalong naging gwapo at simpatiko itong tinggnan.Hindi na siya magtataka ngayon kung bakit kilala ang agency ng mga ito. Mas kumislap naman ang mga mata ni Janice.
"Ma'am, punta tayo sa cabana mamaya, ha?"
Saka ito bumaling sa kanya upang humingi ng permiso. Isang tango lang ang sagot niya at sapat na iyon upang mapasaya ito at si Noemi na isa niyang staff.
" Alright, see you later then."
Hindi pa din nawawala ang ngiti nito.
" Salamat."
Tipid niyang sabi dahil inasikaso sila ng mga ito mula ng umalis si, Al. Hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil lumipad na din ang buong diwa niya kay Al.
Upang palisin ang damdamin sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag ay nag pabalik balik siya sa olympic size na swimming pool. Napakaganda ng lugar, at totoo, na isa itong Paradise Highland Resort. Pero nang umalis si Al, parang may kulang sa magandang tanawin.
" Napakagwapo talaga kahit mapag samantala."
Iyon ang tumatakbo sa kanyang isip habang naglalangoy. She's trying to tire herself baka ma pagod din si Al sa isip niya na hindi napapagod na umeksena sa kanyang utak. His laughter, the way he looks at her, and the kiss!
" Grrr!"
Naiinis siyang huminto sa pag laps at nag float. Pinakalma niya ang sarili at tumingala sa langit.Pero si Al na nasa himpapawid pa din ang nakikita niya.
Mukhang siya ang matatalo sa laro na sinimulan niya.
" I will get myself drunk. Para hindi na kita maisip."
Nabuo niyang pasya bago umahon sa swimming pool.
" Girls, see you later."
Paalam niya sa mga kasamahan at bumalik na siya sa treehouse villa ni Al kasunod si Girlie. Kung wala siguro ang alalay niya baka siya pa ang mag yaya kay Al sa kama nito.
Hindi niya sinulyapan ang swing cushion na saksi sa pagiging marupok niya kay Al. Pagpasok niya sa nagsisilbing kwarto ang kama ang tiningnan niyang mabuti.
" Hmm, hindi nga kaya siya nagdadala ng babae dito?"
Hindi niya napigilan na itanong sa sarili.Kanina na isa isa niyang nakita ang circle of elite alam niyang madami ding babae ang hindi magkamayaw sa mga itong lumapit.
Wala sa loob na nagpawala na lang siya ng malalim ba buntong hininga at pumasok ng banyo upang magbanlaw. Kompleto naman sila sa mga damit at gamit dahil sa advise ng kumausap sa kanila. Kahit ang plan nila ay mag check in at mag overnight. Hindi niya akalain na alukin sila ng libre ni Logan Cervantes.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romance" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...