" What are you doing? Nanadya ka ba?"
Tanong nito, naniningkit lalo ang maliit nitong mga mata.
" Nagpapatunaw lang ng kinain. And don't make that tone to me. Hindi pa tayo mag asawa ina under mo na ako."
Aniya dito na na tumirik ang mga mata sa inis sa kanya.
"God! Kung hindi ko lang mahal ang daddy I will not make a deal with arrogant like you."
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi sa sinabi nito.
" Who's arrogant? Lady, you are rude!"
Pakli niya sa dalaga, at lalong umusok ang ilong nito sa inis.
" Gosh! What I put myself into?"
Hindi ito makapaniwala na bulalas, nakatingin sa kanya. Pinakatitigan naman niya ito, wala talagang anggulo na pangit dito.
" Nagbabago na ba ang isip mo? Sasabihin natin na break na tayo? Panagutan ko na lang ang bata kung sakaling mabuntis ka?"
Aniya dito na agad na napamulagat ang mga mata sa sinabi niya.
" Hell no! I can tolerate you, I have to!"
Mabilis nitong sabi hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang nakakalokong ngiti sa sinabi nito.
" So, anong gustong mong pag usapan natin?"
Biglang bago niya ng usapan at naglakad sa isang bench na nakita na nasa garden.
" Our set up, of course!"
Sabi nito na sumunod sa kanya. Naupo din ito sa bench at ang katawan ay nakaharap sa kanya.
" Okay, I'm listening."
Sabi niya at humarap din dito. Agad itong nagbago ng posisyon, kahit ang mga mata ay iniiwas sa kanya.
" We will not share the same bed. Usually, my parents reconcile after six months maximum. And it's been three months since they divorced, kaya hindi naman magtatagal ang palabas natin."
Mahaba nitong sabi. Bago pa muling may lumabas sa bibig nito ay nagsalita na siya.
" Hindi kaya ako ipapatay ng boyfriend mo? Ayaw kong mabalo ka kaagad."
Saglit itong sumulyap sa kanya at saka umingos bago sumagot.
" Wala akong boyfriend okay? At kung may girlfriend ka naman. I will talk to her and explains our situation."
" Sa ganda mo na yan wala kang boyfriend? I can't believe you."
Sabi niya at hinagod niya ng tingin ang dalaga na ikinailang nito. Inirapan lang siya nito at saka inipit ang buhok sa tenga.
" Must be tense!"
Naaaliw siyang pinanood ang dalaga.
" Bahala ka! Teka nga, kanina pa ako nakakahalata sa iyo, ina asar mo ba ako?"
" Yeah, I found you cute if you're mad! Saka dapat alam ko kung ano ang kaya mong gawin pag nagagalit ka. Malay ko ba kung bayolente kang tao at bigla mo na lang akong saksakin o lasunin."
Nginitian niya ito at nawalan ito ng sasabihin.
" Now, I realize na pag nagagalit ka bukod sa lalo ka gumaganda eh iniipit mo ang buhok mo sa likod ng tenga mo."
Mas namula ang pisngi nito sa sinabi niya at mahina na lang siyang natawa habang pinapanood ang pagiging tense nito sa tingin niya.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romance" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...