Chapter 13

775 32 12
                                    

"Good morning, Princess."

Bati niya kay Rhianie na umawang ang mga labi ng makita siya kinabukasan.

"What are doing here at this hour? I mean how come...?

Hindi ito makapaniwala at parang hindi alam kung ano ang sasabihin.Pinasadahan siya ng tingin na bagong paligo at naka puting t-shirt at sweatpants.

" Baka naman sabihin mo eh hindi ako nag effort para sa deal natin."

Sinamahan niya ng matamis na ngiti ang sinabi. Maging siya ay pinasadahan ito ng tingin.

" Bagong gising at walang ligo."

Komento niya sa hitsura nito dahil naka pajama ito at spaghetti strap na pang itaas na sure siya walang bra dahil nababakat niya ang nipple nito sa cotton nitong pantaas. Agad naman na niyakap nito ang sarili at sinamaan siya ng tingin.

" Hoy, alam mo ba kung anong oras pa lang?"

Naiinis na tanong nito sa kanya, habang malaki ang ngisi niya sa labi.

" Did I give you a sleepless night?"

Sa halip ay sagot niya. Maaring maaga pa lang pero mukhang hindi ito nakatulog. But still, she's beautiful, so beautiful that she gets his attention. Ignoring all her flowering plants that scattered all over the place.

" Sino ang makakatulog sa ginawa mo?"

Pakli nito sa kanya na tumayo mula sa pagkaka upo sa sofa nito na nasa porch.

" Sinabi ko na maghintay ka makukuha mo din ang gusto mo!"

Iritabli nitong sabi at tinalikuran na siya.

" Kape lang naman ang gusto ko."

Pahabol niyang sigaw dito. Hindi ito sumagot pero narinig niya ang pag utos nito sa kasama sa bahay na tinawag nitong Girlie.

" Sa labas mo na i prepare ang breakfast, Girlie."

Lihim siyang napangiti at saka naupo sa sofa. Sa kanyang pwesto ay kita ang maganda mga halaman na namumulaklak. Kung ibabase niya ang bahay ng dalaga ay isa iyong magandang bahay bakasyunan sa countryside.

Para sa kanya ay isang lugar lang ito para sa retirement. Masyadong tahimik at payapa. Samantalang nasa peak pa ito ng edad upang mag party o kaya ay magliwaliw sa ibang bansa.

His sister now has the time of her life. Sumuko na lang sila ng ama niya, sana dumating ang araw na piliin nito ang ganito na buhay. Tahimik at payapa.

" Kuya, kape po."

Pukaw sa kanya ng kasambahay ni Rhianie. Isang tipid na ngiti lang ang binigay niya dito. Her name is Girlie pero hindi girly ang aura nito. She's tall, malaki din ang katawan nito. Maging ang mga kamay nitong nagbaba ng pagkain ay masyadong malaki para sa isang babae. He bet she has abs like him.

" Salamat. Bago ka ba dito? Hindi kita nakita ng una akong pumunta dito?"

Tanong niya at inabot ang kape na inabot nito.

" Si Mr. Rachan ang nag hire sa akin para kay Ma'am Rhianie."

Sabi nito at bahagyang yumuko at nagpaalam na. Patapos na siyang magkape nang maamoy ang halimuyak nang bagong paligo na si Rhianie.

" Siguro naman pwede ka na umuwi pagkatapos mo makuha ang gusto mo?"

He looks at her and then smiles. Pero nag iwas ito ng tingin.

" Sure. Sasabihin ko din ang gusto kong sabihin tapos babalik na ako sa resort. Madami akong gagawin doon."

Hindi ito sumagot at hinila ang isang upuan at inilagay sa baluster ng porch. Malapit sa mga hanging plants nito at malayo sa kanya.

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon