" Pareng Al may magandang chick na naghihintay sa iyo."
Agad na salubong ni Logan sa kanya pag baba niya ng helipad. Malaki ang ngiti nito sa labi. Kadarating lang niya mula sa highland resort at naghatid ng VIP guest.
Napakunot noo siya dahil sa ngiti ni Logan. Alam niya masaya ito dahil pinayagan na din ito sa wakas ni Miss Gia na manligaw. Pero ang ngiti nito ay makahulugan.
"Hindi na ako magtataka kung binuntis mo siya. She's different sa mga babae na I pinapasok mo sa mga hotel."
" I don't understand you, Boss."
Puno pa din ng pagtataka siya at umantabay dito maglakad papunta sa opisina ng security agency.
"Hindi pa namin siya nakita. You are overprotective of her. Alam mo naman walang talo talo sa grupo natin."
Sabi pa niya na hindi na lang niya sinagot. Para sa kanya, he's talking in riddles. Hindi na tuloy siya makapag hintay na makita ang babae na iniisip nito ay may relasyon sa kanya.
" Baka sa dami ng babae na nakasama ko, nakalimutan mo na siya. Kung paanong nakalimutan mo ang model na kumandong sa iyo sa isang bar."
Natatawa na lang niyang sabi.
"I don't think so, Pre. Hindi mo pa siya ipinapakilala sa amin."
Tumahimik siya at mas nabuhay ang kuryusidad niya sa babae na nag hihintay sa kanya.
Pag bukas nila ng pinto agad na nag angat ang babae ng mukha mula sa binabasa sa cellphone.
" Sorry to keep you waiting."
Si Logan ang nagsalita, dahil walang nanulas sa kanyang mga labi. He never met this girl before. Dahil sigurado siyang lalong mababawasan ang kanyang tulog. She's a goddess, iyon ang unang pumasok sa isip niya.
" Are you Al Christian Kane Ronquillo?
Tanong nito na tumayo na.
" Y- yeah!"
Napalingon si Logan sa kanya at bahagyang natawa. Bakit parang naumid ang dila niya?
" I'm glad to see you. I'm Rhianie Rachan."
Anito at inilahad ang palad sa kanya. Awtomatikong napatingin siya sa braso nito.
Maputi ang kanyang balat at maganda ang hugis ng daliri.Walang kulay ang kuko nito and he finds her different.Inabot niya ang palad nito at muling bumalik sa mukha nito ang kanyang tingin.
" Hi."
Bati niya dito. Agad naman nitong binawi ang palad at alanganin na inipit ang buhok sa likod ng tenga. Parang nahihiya ito o hindi alam kung paano magsisimula ng sasabihin.
" Can we talk somewhere else?"
Tanong nito. Saglit pa niyang pinagmasdan ang mukha nito. She looks innocent yet seductive. Katunayan na wala naman itong ginagawa but he wants to taste her lips. Where is this girl all her life?
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romansa" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...