Chapter 11

652 33 10
                                    

" Walang balak umuwi, Al?"

Nilingon niya si Rhianie na nakapameywang sa kanya. Nginitian niya lang ito saka hininaan ang volume ng telebisyon.

" Depende, kung yayain mo akong matulog dito."

Umikot ang mga mata ni Rhianie sa sinabi niya.

" You're unbelievable, Al. Nagtanghalian ka na dito, pina merienda pa kita. And it's dinner time already. Tapos prente ka pa din nakaupo sa sala ko!"

Pagtataray nito sa kaya. Kaya tumayo siya at lumapit dito. Eto na naman ang dalaga na sige ang pag atras hanggang tumama ang likod nito sa island counter.

" Gusto kong maging at ease ka sa akin, Princess. Hindi iyang puro ka na lang atras. I don't understand why you're scared of me. Hindi naman ako nangangagat..."

Sumilay ang kanyang pilyong ngiti sa labi.

"... nangangain lang ako."

Dugtong niya na nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

" Al!"

Malakas ang boses nitong sabi at inabot ang serving spoon na para bang maipagtatanggol ito niyon.

" Makiki kain lang ako. Ano ba ang iniisip mo?"

Natatawa niyang sabi at hinila ang stool at ini upo si Rhianie na pulang pula ang mukha.

" Masyado ka naman na excite. Nag blush ka, lalo ka tuloy gumanda. Hindi ko na kailangan ng appetizer, ginanahan na ako sa hitsura mo."

Wala itong imik na nakamasid lang sa kanya na tulad kanina ay parang sarili ang bahay na siya na ang kumuha ang pagkain at naglagay sa plato.

" Sinanay ko ang sarili ko. Kaya dapat ganun ka din. Masanay ka sa presensiya ko."

Malaki pa din ang ngiti niya kay Rhianie na hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malaki pa din ang ngiti niya kay Rhianie na hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya.

"Bilib din naman ako sa iyo, Al. Ilang beses lang tayo nagkasama, tapos ganyan ka na ka komportable sa harap ko.At bakit ko sasanayin ang sarili ko sa presensiya mo? Eh, baka bukas bukas isang buwan ka na naman mawala?"

Sa wakas ay sabi nito nang makabawi. Agad na tumaas ang sulok ng kanyang labi sa sinabi nito.

" Hm, so gusto mo lagi tayong magkasama?"

Tanong niya na tinitigan ito upang makita ang reaksiyon nito. Agad itong nagbaba ng tingin at kumuha na din nang pagkain.

" Wala akong sinasabi na ganyan."

Pag iwas nito. Hindi na niya ito kinulit at hinayaan na lang na kumain. Ganun na din ang ginawa niya, hindi iilang beses na nagtatama ang kanilang paningin.

" Hindi ka talaga uuwi? I mean malayo ito sa resort at bahay mo. Pero alam mong I will not invite you to sleep over."

Sabi nito na habang nasa porch sila at umiinom ng tsaa.

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon