" Rhianie!" napalingon siya sa boses na tumawag sa kanya. Maging si Al ay nakuha ang atensyon nang tumawag sa kanya.
Sino ba naman ang hindi makakakuha sa atensyon ng bagong dating? She is her sister Aye, ang nag iisa at bunsong anak na babae ang kanyang ama sa first wife nito.
Nilingon niya si Al na inalis ang maitim an sunglasses at tumingin sa babae na papalapit sa kanila na nakasuot ng two-piece swimsuit at napakadami ng alalay at bodyguard na nakasunod dito.
Hindi niya napigilan ang mapasimangot. Hindi dahil ayaw niyang makita ang kapatid sa ama kundi dahil kay Al na nakatingin sa babaeng papalapit sa kanila.
" Sister, how are you?" malambing nitong bati sa kanya na humalik pa sa kanyang pisngi.
" I'm good. I thought you were in London." matabang niyang bati sa kapatid na sunod sa lahat ng luho. Ito ang literal na prinsesa na nasusunod ang gusto.
"I got bored. I need the air of Thailand to lighten my mood. How about you? I thought you were on your vacation house in your mother's hometown?" sabi nito at umasim ang mukha dahil sa kanyang ina. Alam nito na pagmamahal ang dahilan kung bakit siya nabuo at hindi katulad ng ina nito na arrange marriage. Noon pa man nanduon na ang insecurity ng mga ito sa kanila ng kanyang ina.
" Yeah, I just need some seedlings for my garden." pagdadahilan niya. At balak na sana magpaalam ng bumaling ito kay Al.
" So, who's with you?" tanong nito sa kanya pero ang tingin ay na kay Al na nakangiti din sa kanyang kapatid na hindi itinago ang interes kay Al.
" Al, meet Aye." maikli niyang pakilala.
" I'm very pleased to meet you." sabi ng kapatid at inilahad ang palad na inabot naman ni Al at gumanti ng ngiti.
" Hello, Aye. Please to meet you too." tumirik ang mata niya dahil nakita niya ang kakaibang kislap ng mga mata ng kapatid. Katulad ng mga ekspresyon nito noon ng pag interesan ang mga bagay at tao na gusto nitong angkinin.
" I will host a private party later. I want both of you to be there, okay?" pag imbita nito sa kanila pero kay Al lang naman nakatingin.
Sumulyap si Al sa kanya na parang humihingi ng pag sang ayon.
" Rhianie, please come so we can catch up." anito pero alam niyang wala lang itong pagpipilian dahil kay AL na marahil gusto pa nitong lubos na makilala.
" I will -"
" Good! See you later then!" mabilis nitong sabi bago pa lumabas ang salitang 'try' sa kanyang bibig.
Bago sila talikuran ay iniwan pa nito ng nakakaakit na ngiti si Al.
"Kaya bang makapag hintay ng party?" taas kilay niyang tanong kay Al na nakatingin kay Aye na papalayo sa kanila.
" Pupunta ba talaga tayo?" tanong nito na bumaling ang tingin sa kanya.
"Siyempre naman, mukhang miss mo agad eh!" pikon niyang sagot. Hindi niya inaasahan ang paghalakhak nito na agaw pansin sa lahat ng nakarinig.
" Shut up!" pigil niya kay Al na tinakpan ang bibig nito. Tinanggal nito ang palad niya na nasa bibig saka inilapit ang mukha sa kanya. She can see his amusement in her.
" Nag seselos ka!" sigurado nitong sabi sa kanya na iniiwas niya ang mukha.
"Feeling mo! Inis ako sa kanya at dinadamay lang kita." sagot niya na mabilis na tinalikuran si Al
na umagapay naman sa kanya sa paglalakad." Really ha?" anito na mukhang hindi naniniwala sa kanya.
" Please lang Al, kung ayaw mong mawala
ang gana kong kumain at mag hang out kasama ka. Tigilan mo ako sa akusasyon mo." pagtataray pa niya sa binata para pagtakpan ang inis niya sa eksena na hindi niya alam kung bakit." Okay, as you wish Princess." nakangisi nitong sabi na inalalayan siya papunta sa bakanteng mesa.
" She is the real Princess, Al if you really want a princess." Pasaring niya sa binata na ngumisi lang sa sinabi niya.
" It doesn't matter anyway, dahil sooner or later you will be my queen. Mas mataas ang rank mo sa kanya." kumindat pa ito sa kanya at nagdiwang ang kanyang kalooban sa sinabi nito na hindi niya alam kung nahalata nito dahil sa mahina nitong pagtawa.
" Bolero!" aniya at umirap upang itago ang kilig na nararamdaman.
" Hindi ako nagbyahe at lumiban sa minamahal kong trabaho para lang bolahin ka, Rhianie. Im serious. I want you to be mine." nakatitig na ito sa kanyang mukha at para naman siyang na magnet na nakipagtitigan dito.
Sino ba ang aayaw sa lalaki na kaharap niya? Nandito ang katangian na hinahanap niya bukod pa sa kayayahan nitong patibukin ang puso niya ng triple.
"Can I take your order, please." tinig mula sa gilid na ipinagpasalamat niya. Dito niya ibinaling ang tingin na nakapako kanina sa gwapong mukha ng kaharap.
" You feel relieved ha?" ito na naman ang charming nitong ngiti na lihim niyang ikinakilig.
" Because Im starving." palusot niya at saka pinag aralan ang menu.
Matapos na makapili ng gustong kainin ay sinabi na sa waiter ang kaniyang order. Kasunod na nag order si Al na panakaw niyang muling tinitigan.
"Why I found you extra handsome
Today? Maybe because I miss you?" mga kataga na nasa isipan habang pinagmamasdan ang kaharap na abala makipag usap sa waiter."That is all. Thank you." pagtatapos nito na sumulyap sa kanya. Mabilis naman siyang nagbaba ng tingin.
" Are you done with your appetizer?" may himig biro nitong sabi pero syempre itatanggi niya.
" What appetizer?" pa inosente niyang tanong.
" Deny it then, Princess. But I will admit, I want you for my dessert." sabi nito at tumitig sa kanya ng malagkit at nakakaakit.
Ewan ba niya parang nag init ang katawan niya sa klase ng tingin nitong ipinukol sa kanya.
"You are such a flirt, Al. Malay ko ba kung ganyan ka sa lahat ng babae na nakakasama mo." pilit niyang itinatago ang nararamdaman.
" Sa iyo lang ako lumandi ng ganito, Rhiane as you say it." seseryoso nitong sabi.
Maniniwala ba siya?
" Dahil sila ang lumalandi sa iyo at walang hirap mong nakukuha. Hindi katulad ko?"
" Well, tama ka na hindi sila katulad mo. That's the difference, Princess. They are not like you and will never be like you. Because I like you a lot I'm willing to master the art of flirting, mapasagot lang kita at maging totoo na kitang fiance at hindi pretend lang."
Parang may libo libong paru paro sa kanyang sikmura sa sinabi ni Al!
Mukhang uuwi ng Pilipinas si Al na hindi mabibigo!
A/N: Go for the gold Pareng Al!
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romantizm" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...