Chapter 12

797 38 17
                                    

" Ang dami niyan, ipapasalubong mo sa grupo?"

Tanong ni Logan habang ipinapatong niya ang mga bote ng tapuy sa mesita na nasa terasa. Dumaan talaga siya sa kilalang tindahan ng tapuy para mag lasing ngayon.

" Hindi! Tikman lang natin."

Aniya at inihanda ang inumin. Kahit ang pulutan ay inilabas na din niya sa dalang paper bag.

" Isang dosena yatang tapuy ang bitbit mo tapos titikman? Pareng Al, mukhang hindi maganda ang naging lakad mo ah."

Pag aanalisa nito sa kanya. Hindi siya sumagot, sinimulan lang niyang ihanda ang mga inumin. Naupo naman si Logan sa kanyang harapan.

Walang imik itong tumatanggap ng kanyang tagay. Hanggang magsimula siyang mag labas ng saloobin dito nang makaramdam ng pagka lasing.

" Tinamaan ako sa kanya, Boss."

Isang tipid na ngiti lang ang sagot nito.

"Anong panliligaw ba ang dapat kung gawin? Kasi parang sarado ang isip niya para sa aming dalawa."

Iyon ang kanyang pag kaintindi sa sinabi ni Rhianie kanina.

" Okay, lang magsara ang utak niya sa mga bagay bagay.Basta ba mag bubukas ang mga hita niya para sa iyo."

Napailing na lang siya sa sinabi nito.

" Think of this Pareng Al, women give themselves because they want to be loved. And being intimate with someone, kahit sa sarili mo doon mo mararamdaman na siya na lang ang para sa iyo. And once she felt, na siya lang ang mag papa satisfy sa iyo you will gain her trust. Ang trust na ang hirap nating makuha na mga gwapo."

Mahina pa itong natawa dahil danas na danas nito ang bagay na iyon kay, Miss Gia.

" Hanggang mahal iparamdam lang. Darating din naman siguro ang panahon na natutunaw ang pader o yelo na binabalot nila sa sarili nila."

" Tinamaan ka din."

Sumandal ito sa sandalan ng upuan at saka tumingala sa kisame.

" Sapul, Pareng Al. Hindi yata isang palaso ni Cupid ang tumama sa akin."

Napabuntong hininga pa ito. He's having a hard time wooing the presidential daughter. Wala sa sarili na napabuntung hininga din siya. He is also having difficulty dealing with the Princess.

" Hindi naman karma sa atin ito?"

Tanong niya. Sumulyap si Logan sa kanya at isang ngisi ang sumilay sa labi nito.

" Wala akong matandaan na nagpa hirap ako ng babae. It's the other way around, Pareng Al. We satisfy them and make them happy."

Napailing iling na lang siya. Yeah, that statement was right.

" Hindi naman komplikado ang buhay natin noon. .."

" There is season under the sun, Pre. Siguro ito na ang panahon na we don't want sex anymore but making love instead."

Pareho silang natahimik saka nahulog sa sariling mundo. Marahil si Logan kay Miss Gia, at siya kay Rhianie.

" I can't believe she wants to have sex with me as payment for our deal."

Sa huli ay nasabi niya ang rason bakit niya naisipan na bumili ng maraming bote ng tapuy.

" You want to be paid in cash or installment basis?"

Hindi niya maintindihan ang sinabi nito pero naglalaro ang pilyong ngiti nito sa mga labi.

" I prefer you ask for an installment basis, Pareng Al. Just introduce her to what she's going to miss, kung pakakawalan ka niya."

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon