" Walang hiya, anong ginagawa mo dito?"
Kunot noo niyang tanong kay Dimayuga na magkasunod lang silang dumating sa airport. Ất sa dala nitong maleta alam niyang magbyahe din ito.
" May blessing ni Boss. Samahan daw kita."
Sagot nito na iwinagayway ang passport at plane ticket nito sa kanya.
" Pambihira!"
Naiiling niyang sabi, pero wala naman siyang magagawa. Pampalubag loob na lang niya na mag isa lang ito at hindi kasama ang ibang elite.
" Don't worry Pareng Al. Walang makakaalam ng gagawin mo sa Thailand."
Sabi nito at nauna pa sa kanyang pumasok sa loob ng airport.
" Tsk!"
Palatak na lang niya at sumunod dito. Ang ticket niya at hotel ay ang agency nila ang nag book. Sigurado na ganun din si Dimayuga.
" I'm excited to see Phuket."
Nakangisi nitong sabi ng maupo na sila sa loob ng eroplano.
" Baka ibang Pkuket ang excited ka. Baka mag ka sakit ka wag na wag mong isisi sa akin."
Natawa ito sa kanya.
" Tsk. Walang tiwala sa akin. Good boy ako Pareng Al."
Sabi nito na inilingan lang niya.
" Sinabi mo eh."
Aniya at nanahimik siya. Iniisip niya ang magiging reaksiyon ni Rhianie. Halata naman na dahilan lang nito ang sprained ankle nito. Gusto nitong makalayo sa kaniya. Pero halata din niya na pinipigilan lang nito ang sarili.
Buong byahe siyang iniisip kung ano ang gagawin na approach sa dalaga. Sana maging masaya itong makita siya.
" Hmm, napakaganda naman ng resort na ito. Kasing ganda ng babae na iyon."
Sabi ni Dimayuga na nakanguso sa babaeng Asian na akala mo manika na nagka buhay. Kontroladong hampas sa balikat ang ibinigay niya dito.
" Ang dami mong pakulo alam ko naman ang pakay mo, Pareng Gil."
Aniya at nagpatiuna na siyang naglakad sa reception para mag check-in. Pag lapit nila at ibinigay niya ang pangalan ay saglit na tiningnan ang silid na nakalaan para sa kanila.
" Here's your keycard, Sir. Enjoy your stay."
Nakangiti nitong sabi na tipid niyang ginantihan ng ngiti.
" Let's go, Pareng Gil."
Siko niya kay Dimayuga na nag f- fiesta ang mata sa mga naka two-piece bikini na mga guest na dumadaan sa lobby ng hotel.
" Sa susunod mong pagdalaw kay Miss Rhianie. Ako ulit ang isama mo, Pareng Al."
Sabi nito na umagapay sa kanya sa paglalakad.
" Hindi pa nga tayo nakakapasok sa room natin pagbalik na agad ang sinasabi mo."
Sabi niya na naiiling na lang.
" Miss Rhianie is from here. Isa pa Royal blood siya. I'm sure she will not stay in the Philippines. Come to think of it. Much better you settle down here para may dahilan kaming pumunta dito anytime."
Suhestiyon nito na hindi niya pinansin. Biglang binalot siya ng pangamba. Maybe that's the reason why Rhianie is reluctant because of her status.
" I never thought about that."
Hindi niya alam kung napansin nito ang kanyang pagbabago ng mood. Hindi na siya nito kinulit hanggang makarating sila sa silid na para sa kanila.
" Grabe, parang ang sarap mag honeymoon dito ah."
Reaksiyon nito na nakatanaw sa glass wall at kita ang buong beach. Maging ang karagatan ay kita kung saan nagkalat ang mga tourists at abala sa water activities ng resort.
" Baka naman mag swimming trunks ka."
Sabi niya na lumapit sa kanyang kama na para sa kanya.
" Baka pagka guluhan ako, naka reserved iyon sa ma swerteng babae mamaya."
Sabi nito na katulad niya ay nahiga din sa kama na para dito.
" Nakita mo naman na hindi ka pwedeng magdala ng babae dito. We're sharing a room, Pareng Gil."
Paalala niya dito na tinawanan lang siya.
" At hindi mo din pwede, i invite si Miss Rhianie dito, Pareng Al. Ayaw kong maging scorer."
Sinamaan lang niya ito ng tingin. Sigurado naman na hindi maniniwala ang mga ito na wala pang nangyayari sa kanila ni Rhianie.
" Mag shower muna ako para mapuntahan ko na si Rhianie."
" Tama iyan. Baka umatras na naman ang tapang mo."
Sabi nito na lumapit sa fridge na nandun at binuksan.
" Alright!"
Masaya nitong sabi sabay kuha ng beer in can.
" Pre may lakad tayo. Patahimikin mo ang mga iyan."
Suway niya kay Dimayuga na hindi makapaniwala na tiningnan siya.
" Kasama ako sa panliligaw?"
Tanong nito na parang hindi makapaniwala.
" Bakit ka pala sumama dito?"
Balik tanong niya dito saka napailing na lang.
" Akala ko short vacation ko."
Naiiling nitong sabi.
"Maging success lang ang lahat ng plano ko. Akong bahala kay Boss Logan. Free expense ang stay mo dito ng isang linggo."
" Good! Dahil may maganda din akong plano."
Ganado na nitong sabi. Hindi na niya pinatagal ang paghahanda. Gusto na niyang makita si Rhianie.
" Halatang pinaghandaan."
Mula ulo hanggang paa na sinipat siya ni Dimayuga.
" Opisyal kong pag akyat ng ligaw kaya dapat pormado."
" Wala akong masabi. Ewan na lang kung hindi mo mapahinuhod si Miss Rhianie sa plano mo."
Sabi pa nito. Matapos na magpabango ay muli pa niyang sinipat ang sarili.
" Halika na.I can't wait to see her."
Tiningnan niya ang address ni Rhianie mula sa assistant nito maging ang numero na gamit nito dito. Pero hindi niya ito tatawagan. Gusto niya itong surpresahin.
" Wow!"
Reaksiyon ni Dimayuga ng pumarada sa harap nila ang luxury car.
" Maasahan talaga si Boss."
Nakangiti niyang sabi at kinuha ang susi sa valet.
" Bumabawi si Boss sa suporta natin sa kanya ah."
Nakangisi din na sabi ni Dimayuga.
" Pero last ko ng support ang pag kidnap kay Miss Gia. Huwag mong aasahan na suportahan kita kung maisipan mong kidnapin si Miss Rhianie."
Sabi nito na naupo sa shotgun set. Matapos na i set ang kanilang destinasyon sa GPS ng sasakyan ay pinatakbo na niya ang sasakyan.
" Wala sa isip ko iyan. I know how I can make her mine."
Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ang pagtakbo ng kanyang isip para tuluyan ng maging kanya si Rhianie.
" I will claim my full payment with interest. And make her pregnant. And this time around ako naman ang mag offer sa kanya. And I will offer her my name."
Masaya siya sa isipin na iyon. Alam niya sa sarili na si Rhianie ang babae para sa kanya. Ngayon lang siya nag effort ng ganito. Kay Rhianie lang niya naisipan na umakyat ng ligaw. At sa dalaga lang siya nakaramdam ng damdamin na gusto niya itong maangkin hindi lang ang katawan kundi pati ang puso nito.
A/N: Pasensya sa matagal na update.. napakadami kong ganap sa buhay 😢.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romansa" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...