Chapter 16

621 31 8
                                    

" Thank you, Girlie. Are you sure hindi ka nagugutom?"

Nag iba ang kanyang mukha ng paglabas nila ng restaurant at pagpasok ng opisina ay nandun si Girlie. Prenting naka upo sa lounge area ng kanilang tanggapan. Katabi nito ang mga bag na marahil ay dala ng mga ito.

" Hindi. Okay, lang ako. I'm on a special diet."

Hindi na siya magtataka, mapagkakamalan mo itong lalaki pag nakatalikod sa lapad ng mga balikat.

" She visited the gym here, kasi sabi ni Logan it's fully equipped."

Sabi ni Rhianie sa kanya na napatango na lang siya.

" Privilege namin na mga elite iyon. Para ma maintain din namin ang mga katawan namin."

Balak niyang abutin ang bag na kinuha ni Rhianie pero mabilis na iniiwas ng dalaga.

" It's okay, Al. Don't bother. Just show us the way to our room."

Tumango na lang siya at lumapit sa telepono at nag dial.Matapos makipag usap ay hinarap niya si Rhianie.

" Someone will come to bring them to the treehouse hotel."

Nagsalalubong ang maganda nitong kilay.

" Why them? How about me?"

Kunot noo nitong tanong.

" You will stay in my treehouse villa."

Sabi niya dito na mabilis naman itong pumadyak ng paa.

" No! Uuwi na lang ako kung walang ibang room sa hotel!"

Reklamo nito, at humalukipkip saka siya inirapan.

" You're acting like a spoiled Princess."

Naiiling niyang sabi na pumalatak pa.

" Don't worry, you and Girlie will be alone there. I have scheduled clients to transport in the afternoon. Bukas na ako babalik."

Sabi niya at lumapit dito. Hindi ito nakapag salita at kumurap kurap lang sa kanya. He just smirked and step back.

" You will accept my offer?"

Saglit itong nag isip saka may pagdududa na nagtanong.

"Are you sure, kami lang ni Girlie?"

Tanong nito na parang walang tiwala sa kanya.Tumango siya saka ngumiti.

" Unless you want me to stay..."

" No!"

Mabilis nitong tugon na napa iling na lang siya.

"Come with me, I will bring you to my treehouse at ang mga staff mo ay may pupunta dito para i assist sila sa hotel."

Tatanggi pa sana ito pero hinawakan na niya  sa braso. Nilingon nito si Girlie at mabilis naman itong naka intindi at sumunod sa kanila.

" Wala akong gagawin sa iyo. Saka natural lang na sa treehouse villa ka tumuloy. Baka nakaka limutan mo, we are engaged to be married."

Inakbayan niya ito. Hindi ito kumawala pero hinarap siya at sa mahinang tinig ay sinagot siya.

" Al, pretend only. Huwag mo din sanang kalilimutan."

Isang nakakaloko na ngiti lang ang sagot niya at giniya na ito sa papunta sa kaniyang treehouse villa.

" Welcome to my treehouse."

Aniya ng makapanhik siya sa porch. Wala itong imik na sumunod sa kanya sa loob. Iginala nito ang paningin saka tumingin ito sa kanya.

" Ilang babae na ang na invite mo dito?"

Tanong nito sa kanya.

" Pangalawa ka."

Sagot niya na mataman na tinitigan ang reaksiyon nito. Hindi nito itinago ang pag simangot nito. Dahil nasa mood siya hindi na lang niya sasabihin na ang kapatid niya ang isa pa niyang hinayaan na mag stay sa treehouse villa niya.

" Wala bang para sa mga guest na treehouse villa?"

Tanong nito maya maya.

" Meron. Pero walang bakante. Bago ang mga bedsheet dito kahit ang sofa bago na iyan."

Hinawakan niya ito sa kamay at dinala sa kanyang kama.Hinawi lang niya ang kurtina at saka ipinakita dito ang kanyang kama.

" Isa lang ang kama dito. Girlie can sleep on the hammock. Or, I will ask to bring an extra bed here."

" Dito na lang ako. Okay, lang ako dito."

Singit ni Girlie na nakaupo na sa hammock. Mas madalas siyang matulog doon kapag tanghali. Napakaganda kasi ng ambiance.

Bumaling siya kay Rhianie. Hindi niya alam ang nasa isip nito na nakatingin sa kanyang kama.

"Hindi ko pa iyan nabibinyagan huwag kang mag alala. Balak mo bang diyan ibigay ang full payment mo?"

Tanong niya sa mahinang tinig, sapat lang para marinig nito.Marahas itong lumingon sa kanya.

" Al, ang bibig mo!"

Angil nito sa kanya. Kaya ngumiti siya nito.

" I know! I know! Mali ang gamit ng bibig ko. I'm sorry."

Hingi niya ng paumanhin na alam niyang hindi nito tanggap ang sinabi niya kasi umirap lang ito sa kanya.

" I can't wait for our deal to be over!"

Bulong nito habang inilalapag ang handbag sa side table.Akala niya ay uupo ito sa kama pero sa halip ay lumabas ito at nagtuloy sa porch.
Tumabi siya dito na naupo sa swing cushion.

" Siguro naman wala kang ginawang milagro sa swing na ito?"

Tanong nito sa kanya na nag aapoy ang mata sa kanya sa inis.

" Anong klase na milagro ba ang iniisip mo?"

Sinamahan pa niya nang tingin ang dalaga ang para bang hindi niya ito naiintindihan.

" Huwag mo akong daanin sa ganyan na tingin, Al. Hindi bagay sa iyo!"

Pinandilatan siya nito ng mga mata.Mas pina inosente pa niya ang anyo.

" Anong klaseng tingin ba? I'm not aware of the way I looked at you."

Pilit niyang sinusupil ang ngiti sa mga labi sa pananadya niyang kulitin ang ito. He missed her so much. And he wants to mess up with her, kung paanong ginugulo nito ang isip niya.

" Pa inosente ang sagot mo, pero puno naman ng malisya ang tingin mo."

Sagot nito na hindi na niya napigilan ang mapahalakhak. Ilang saglit siya sa ganun na anyo na nang mapabaling siya sa dalaga ay pinapanood lang siya.

" You know what  Princess, you're the one who's giving me ideas. I never invited any girl here except my sister and you. At sa milagro na sinasabi mo dito sa swing, wala talaga akong alam. Maliban na lang sa iniisip kong mahalikan ka ngayon."

Sumeryoso ang tingin niya kay Rhianie na nag iwas ng tingin.

" I don't believe you."

Mahina nitong sabi na nakatingin sa kung saan. She's still trying to avoid his eyes. Kaya umangat ang kanyang palad and hold her chin.
Wala itong nagawa kundi ang tumingin sa kanya.

"I miss you, Princess. Can I kiss you?"

Hindi niya alam saan nanggagaling ang style niyang mag paalam pa bago humalik. Hindi naman niya iyon gawain.

" Nah, I will kiss you dahil na miss kita ng sobra."

Biglang bawi niya at bumaba ang kanyang mga labi upang halikan ito. Dahil sigurado siyang 'hindi' ang isasagot nito sa tanong niya. Pero hindi naglipat segundo, tumugon na ito sa kanyang halik.

At alam niyang, madami pa silang milagro na pagsasaluhan ni Rhianie. The thought is overwhelming, and the feeling is satisfying.

A/N: Madami pa talaga tayong pagsasamahan Pareng Al at matagal pa. Ang busy ko, sorry na ✌️. Isinisingit ko lang ang pag update sa review ko😢.

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon