" Bakit ganyan ka makatingin?"
Hindi mapigilan na tanong ni Rhianie sa kanya dahil hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.
" So, when is your birthday?"
Tanong niya dito habang magkaharap sila sa sala. Pinili niyang magpa iwan dahil nais niyang makausap pa ang dalaga. Natapos ang dinner at napaka pormal ng usapan. Nandun din ang pagka ilang para sa ina ni Rhianie kaya maaga itong umalis.
" Matagal pa! Sa September 21."
Malaki ang ngiti nito, marahil kompyansa na tapos na ang deal nila sa panahon na iyon.
" Really? Paano iyan, I will celebrate my birthday next month? Ibig sabihin ba engagement na natin next month?"
Tanong niya na tinawanan lang nito.
" Mr. Al Christian Kane Ronquillo. Hindi next month ang birthday mo. August 26, and you will turn 28 this year."
Sabi nito, hindi makapaniwala na tingin ang ibinigay niya sa dalaga na sige pa din ang pagtawa.
" Hindi ako makapaniwala na masaya kang, broken-hearted ang mother mo at ang father ko."
Naiiling pa niyang sabi dito. Agad naman itong huminto sa pagtawa at tiningnan siya ng masama.
" C'mon, Al. Wag mo akong akusahan ng ganyan.Hindi mo ba napansin kanina? My Mom still loves my father. Baka nga ginamit lang niya si Tito Charlie para pagselosin si Daddy."
Sabi nito kaya hindi niya napigilan na mapapalatak.
" Tapos ginamit mo din ako?"
Tanong niya sa dalaga na natahimik.
" It will benefit all of us. Isipin na lang natin it is for the greater good."
Pakunswelo nito sa kanya.
" Paano kung hindi? Paano kung hinadlangan mo lang ang Mommy mo at Daddy ko para maging masaya ulit?"
Agad na napatayo si Rhianie at nagpa lakad lakad sa kanyang harapan.
" Al, naman! Akala ko ba nagkaka intindihan tayo? Akala ko ba suportado mo ako?"
Tumigil ito sa kanyang harapan. Tiningala niya ito at kita niya ang guilt sa maganda nitong mukha.
" I do! Pero paano kung dumating na ang birthday mo or my birthday at hindi pa sila nagkaka balikan? We have to announce our engagement."
Nakatunghay pa din si Rhianie sa kanya. Bumalot ang kalungkutan nito sa mukha.
" Are you scared, Al?"
Tanong nito na nakapag patayo sa kanya at hinaharap ito.
" I'm not scared of anything, Princess. How about you? Natatakot ka bang sa halip na Mommy mo at Daddy ko ay tayong dalawa ang magka tuluyan?"
Awtomatiko pang pumulupot ang kanyang braso sa beywang nito. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa pagkaka daiti ng kanilang mga katawan.
" Al!"
Sabi lang nito at itinukod ang mga palad sa kanyang malapad at matigas na dibdib. Para naman itong napaso at napatingin sa kanyang mukha. Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi sa reaksiyon nito.
" Hindi ganyan dapat ang reaksiyon mo, to think that we're getting married."
Mas hinapit pa niya ang dalaga sa kanyang katawan at mahina itong napasinghap.
" Bitiwan mo ako, Al!"
Pakiusap nito na hindi naman niya nahimigan ng galit.
" Ayaw ko! I need to know kung worth it bang talikuran ang pagiging binata ko, dahil sa iyo."
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romance" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...